Barangay Ginebra ginapi ang Purefoods Star | Bandera

Barangay Ginebra ginapi ang Purefoods Star

Melvin Sarangay - , February 23, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Bukas
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. NLEX vs San Miguel Beer
7 p.m. Alaska vs Barako Bull

BINIGO ng Barangay Ginebra ang hangarin ng Purefoods Star na makabangon gamit ang bagong import matapos na itakas ng Gin Kings ang 96-87 pagwawagi sa kanilang 2015 PBA Commissioner’s Cup game kahapon sa dinumog na Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ibinuslo ni Michael Dunigan ang walo sa kanyang 22 puntos sa matinding 18-9 ratsada ng Kings sa huling apat na minuto ng laro matapos na itabla ng Hotshots ang laro sa iskor na 78-all.

“We did a good job, especially in defense,” sabi ni Barangay Ginebra coach Ato Agustin. “We were able to execute our plays. We were disciplined in our offense, especially the big guys.”

Bunga ng panalo, umangat ang Kings sa 3-3 kartada habang ang Hotshots, na tinapik si Denzel Bowles bilang ikatlong import ngayong kumperensiya, ay nakalasap ng ikatlong sunod na pagkatalo matapos ang impresibong 4-0 pagsisimula.

Si Greg Slaughter ay nag-ambag ng 19 puntos habang si LA Tenorio ay nagdagdag ng 16 puntos para sa Kings. Sina Japeth Aguilar at Mac Baracael ay may tig-10 puntos para sa Barangay Ginebra.

Sa unang laro, kumana si Terrence Romeo ng 25 puntos habang ipinagpatuloy ni Calvin Warner ang impresibong paglalaro para sa Globalport na inilampaso ang Blackwater, 101-78, para umangat sa 4-3 record.

Si Warner, na napanalunan ang ikalawang laro sa tatlong paglalaro para sa Batang Pier, ay humablot ng season-high 30 rebounds na sinamahan niya ng 17 puntos at tatlong blocked shots.

“Until now we’re still getting to know him, to be honest,” sabi ni Globalport coach Eric Gonzales patungkol kay Warner, na pinalitan si CJ Leslie. “He plays strictly inside, but he has a sense of maturity that helps the team, even in  practice. That’s the positive thing that I see.”

Si Romeo, na nakatuwang si Ronjay Buenafe sa ikalawang yugto, ay sinumulan ang maagang ratsada para makalayo ang Batang Pier sa itinayong 13 puntos na kalamangan, 50-37, sa halftime.

Nagpatuloy ang kanilang matinding opensiba sa ikatlong yugto kung saan inihulog ni Buenafe ang pito sa kanyang 15 puntos para tulungan ang Batang Pier na itaguyod ang 74-56 bentahe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending