Editor’s note: Ibinubukas ng Bandera ang bagong pitak na ito “I Survived Ondoy” para sa lahat ng nakaranas ng hagupit ni ‘Ondoy’. Gusto naming mabasa ang inyong kwento.
Una naming inilalathala ang experience ni Melvin Sarangay, assistant Sports Editor ng Bandera.
SA tanang buhay ko, hindi ako nakaranas ng grabeng bagyo katulad ni ‘Ondoy’.
Gayunman, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil mapalad kaming nakaligtas ng buo kong pamilya sa hagupit n g bagyong ito.
Hindi man matatawag na isang Super Typhoon dahil di naman sobrang lakas ang hanging dala nita, kulang ang salita para mailarawan ang grabeng perwisyo at kapahamakan ang dinala ni Ondoy bunga ng walang humpay na pag-ulan na nagdulot ng grabeng pagbaha sa lugar namin sa Village East sa Cainta, Rizal.
Tatlong araw din kami ng aking mga kapatid, hipag at mga pamangkin na nagtiis ng walang kuryente sa ikalawang palapag ng aming bahay.
Limitado ang suplay ng aming pagkain at tubig, walang linya ang telepono kung kayat wala rin kaming komunikasyon sa aming mga mahal sa buhay.
Pinagkasya lang namin ang konting bigas, biscuit, tinapay at noodles na nabili sa maliit na tindahan bago pa kami binaha.
Nakakalungkot dahil wala kaming natanggap na tulong mula sa lokal na pamahalaan. Ngunit di naman kami pinabayaan ng mga kapatiran sa simbahang aming kinaaniban, ang CLSF kung kayat nakatawid kami sa gutom.
Grabe as in grabe ang naging baha sa amin dahil nakita ko mismo ang pagpasok nito sa loob ng bahay namin at lagpas tao na nga ito sa kalye. Nakita ko rin kung paano umapaw sa sobrang pag-ulan ang creek sa likod bahay namin.
Sa totoo lang isang malaking eye-opener para sa akin ang bagyong Ondoy. Dapat ay lagi tayong maging handa sa ganitong mga kalamidad. Isa itong ‘life experience’ na hindi ko na makakalimutan habang ako ay nabubuhay.
Ipadala ang inyong mga kwentong ‘I survived Ondoy’ sa 09295466802 o 09153632458 sa format na Texttok_Ondoy/pangalan/edad/address/ kwento ninyo. Maaari ring magpadala sa
[email protected], [email protected] or i post sa comments section ng https://banderablogs.wordpress.com
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.