Totoo ba, Erich hiniwalayan ang dyowang negosyante para kay Daniel Matsunaga? | Bandera

Totoo ba, Erich hiniwalayan ang dyowang negosyante para kay Daniel Matsunaga?

Reggee Bonoan |February 20,2015
facebook
share this

Totoo ba, Erich hiniwalayan ang dyowang negosyante para kay Daniel Matsunaga?

Reggee Bonoan - February 20, 2015 - 03:00 AM

ERICH GONZALES AT DANIEL MATSUNAGA

ERICH GONZALES AT DANIEL MATSUNAGA

SOBRANG close ngayon nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales base na rin sa nakita naming samahan nila sa isang restaurant sa may ELJ Building sa ABS-CBN kamakailan.

Akala namin noong una ay may taping sa nasabing kainan dahil maraming nagkakagulo at nagpapa-picture sa dalawa, ‘yun pala kumakain lang talaga sina Daniel at Erich na walang make-up that time.

Nagtanong kami sa kasama ng dalawa at sinabi sa amin na, “Nagpapalipas lang po sila ng oras kasi may guesting si Dandan (tawag kay Daniel) sa AA (Aquino & Abunda Tonight), sinamahan lang siya ni Erich.”

Bakit kailangang samahan tanong namin sa aming kausap – hindi ba kaya ni Daniel na mag-isang pumunta sa studio ng AA?

Napangiti lang ang kausap namin.

Dinedma namin ang pagngiti ng kasama ng dalawa at nang mapanood namin ang AA, inamin ni Daniel na crush niya si Erich at posible niyang ligawan someday.

Hala, may ganu’n na palang isyu ngayon kina Daniel at Erich? E, di ba bossing Ervin may businessman boyfriend ang aktres na hawig ni Lee Min Ho at matagal-tagal na rin silang magkarelasyon.

At saka bakit sa dalawang bidang babae sa Two Wives ay kay Erich malapit si Daniel, samantalang mabait at maganda rin naman si Kaye Abad?

Curious tuloy kaming malaman kung hiwalay na si Erich sa boyfriend niya.

Speaking of Two Wives, marami na kaming naririnig na feedback mula sa viewers na naglilipat na sila ng channel dahil hindi na raw healthy panoorin ang serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oh well, palabas lang po ito, huwag seryosohin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending