Dingdong gaganap na pari sa bagong serye ng GMA
TAPOS na ang paghihintay ng mga fans ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes dahil magsisimula na ngayong Marso ang bagong teleserye ng mister ni Marian Rivera sa GMA.
Kakaiba at challenging ang magiging role ni Dingdong sa kanyang pinakabagong programa sa Kapuso Network. Sa ginanap na story conference last Friday para sa upcoming primetime series na Pari ‘Koy, inihayag ng aktor ang kanyang excitement sa pagsisimula ng programa, “I’m very excited and very energized to go back to work.
Ito ay isang istorya na magbibigay inspirasyon sa mga manonood.” Dagdag excitement din para sa Kapuso actor ang first time niyang pagganap bilang isang pari, si Father Kokoy.
Ayon kay Dingdong, “Si Kokoy ay lumaki sa isang magandang pamilya na pinili ang landas ng pagsisilbi sa simbahan.
“Na-assign siya sa isang community kung saan masusubukan ang kanyang kakayahan dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Bilang mga Pilipino, we have our ways of practicing our faith kaya naman malapit talaga sa puso ko ang role ko rito,” kuwento pa ng aktor. Ang Pari ‘Koy ay sa direksiyon ng award-winning director na si Maryo J. Delos Reyes.
Una nang nagkatrabaho sina Direk Maryo at Dingdong sa primetime series na Pahiram ng Sandali. Ilan pa sa mga makakasama sa serye ay sina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Chanda Romero, Jeric Gonzales, Carlo Gonzales, JC Tiuseco, Rap Fernandez, Luz Valdez, Dexter Doria, Hiro Peralta, Jojit Lorenzo, Lindt Johnston, Jhiz Deocareza, at Jillian Ward.
Mapapanood na ang Pari ‘Koy ngayong Marso sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.