KINUYOG sa suntok ng mga lalaki, kabilang ang aktor na si Raymart Santiago, ang kolumnista ng Bandera na si Ramon Tulfo kahapon ng hapon sa Terminal 3, ng Ninoy Aquino International Airport.
Ayon sa mga testigo, ang insidente ay bunsod ng pakikipagtalo ng aktres na si Claudine Barretto, na nagrereklamo sa airport personnel hinggil sa naiwan niyang bagahe nang sumakay ng eroplano pa-Maynila.
“I was taking pictures of her (Barretto) on my cellphone. I didn’t know who she was.
Then some guys went up to me, wanting to take away my phone,” ani Tulfo.
Sinabi ni Tulfo na nang tumanggi siyang ibigay ang kanyang cell phone ay kinuyog siya ng mga lalaki.
Ayon kay Tulfo, lumaban siya.
“I’m wondering why the guys were never arrested,” ani Tulfo, na nag-ulat ng insidente sa airport police quarters.
Iginiit naman ng mag-asawang Raymart at Claudine na hindi sila ang nauna sa nasabing kaguluhan. —Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.