Kris nag-iiyak sa ginawang video nina Josh at Bimby; idol pa rin daw si Noynoy
Naiyak si Kris Aquino sa live episode ng Aquino & Abunda Tonight noong Huwebes matapos mapanood ang surprise birthday gift sa kanya nina Joshua at Bimby. Kris will turn 44 sa Feb. 14, mismong Valentine’s Day.
Ipinalabas sa programa ang ginawang video nina Bimby at Joshua – dito binigyan si Kris ng kanyang bunsong anak ng tatlong tips on how to find a boyfriend, habang tinugtog naman ni Joshua sa piano ang favorite song niyang “Somewhere Down The Road”.
Sey ni Bimby sa kanyang mommy, dapat daw mas mahalin niya ang kanyang sarili bago ang magiging bagong partner niya, pero kinorek ito ni Kris, aniya, “Mali ‘yung order mo Bimb – it’s you and Kuya, it’s whoever that guy will be, and it’s me just number three.
You and Kuya will always be number one. That other guy, if he doesn’t come along, okay na. I have the two of you.”
Nagpasalamat naman siya sa effort ng staff ng Aquino & Abunda Tonight para pasayahin siya sa kanyang birthday, “Ginawa niyo kung ano talaga ‘yung magpapaligaya sa puso ko – binigay niyo ‘yung moment to shine doon sa two most important people in my life.”
Nagpasalamat din siya sa kanyang mga kapatid kabilang na kay PNoy, “I just want to say thank you to my siblings. We’ve proven I think to each other ‘yung binilin ng mom (dating pangulong Corazon Aquino) na come what may, be there for each other, huwag niyo pababayaan ang isa’t isa.
Napatunayan natin ‘yon. Pinaka-proud ako siguro not only to love each of you more but to respect you more and to wish to be like you even more.”
Para naman sa kanyang supporters, “Thank you for allowing me to be a part of your lives, through the ups and the downs, through the tears and the laughter, sa lahat ng pinagdaanan natin.
It’s really been a wonderful life. And I’m looking forward to the years God still has left in store.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.