Lovi susuportahan si Grace Poe sa 2016
Proud na proud ang Kapuso actress na si Lovi Poe sa kanyang ate Grace Poe sa pag-handle nito sa hearing-investigation ng Mamasampano incident.
Si Grace Poe kasi ang chairman ng Senate Committee on Public Order na nag-iimbestiga sa kaso ng 44 miyembro ng PNP-SAF na napatay sa isang madugong engkwentro.
Puro positive comments kasi ang natatanggap ni Sen. Grace mula sa madlang pipol sa ginaganap na hearing. “I really haven’t watch but, of course, I’m really proud of her and I’d been hearing things about her,” sey ni Lovi sa isang panayam.
Hirit pa nito, “I think now it’s the right time that everybody should get together and be united for a good thing, for a good cause. Now is the right time to really use our hearts. Masarap siguro na everybody should be true, magpakatotoo this time.”
Siyempre, tulad ng ninanais ng lahat ng Pinoy, dasal din ni Lovi na makakuha ng hustisya ag Fallen 44. “Sana mabigyan ng justice ang mga heroes natin.
Siyempre inaalagaan nila ang freedom natin and tayo we just enjoy it. So sana lahat tayo ay ipagdasal natin para maging mabuti ang kakalabasan,” aniya pa.
Samantala, handang sumuporta si Lovi sa kanyang ate kung sakaling tumakbo ito sa mas mataas na posisyon sa darating na 2016 presidential elections.
“For me whatever her decision will be I will be here to support her. Kung gusto niyang tumakbo o hindi I will always be here to support her,” chika ng Kapuso singer-actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.