Pacman-Mayweather alanganin sa Mayo | Bandera

Pacman-Mayweather alanganin sa Mayo

Mike Lee - February 11, 2015 - 02:00 AM

manny pacman

NAGDUDUDA si World Boxing Organization president Francisco “Paco” Valcarcel na mangyayari ang pagsasagupa  sa boxing ring nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa Mayo.

Ang maraming detalye na dapat pang pagkasunduan ng magkabilang kampo  ang itinuturo niyang dahilan at balakid para maunsiyami ang isinasagawang negosasyon.

“You have too much stuff all around the board that have to be agreed too; Showtime, HBO, promoters and all kinds of things,” wika ni Valcarcel sa panayam ng Fighthype.com.

Kahit ang mga nababasang panulat tungkol sa laban ay tila hudyat na malabong mangyari sa lalong madaling panahon  ang pinakasasabikang boxing fight.

Si Pacquiao ay kampeon ng WBO welterweight division at sinabi na nitong  payag  siya sa lahat ng kondisyon na ilalatag ni  Mayweather na kampeon naman ng  World Boxing Council.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin magkasundo sa isang kontrata ang dalawang kampo.“People want to see Mayweather and Pacquiao and I want to see Mayweather and Pacquiao, but again, like I tell you before, I got my doubt that that fight is going to happen.

You got too much stuff there to come to terms and agree to and it’s not easy when you’re dealing with two, three, four, five, six and seven parts; not easy…not easy,” ani pa ng WBO official.

Unang sinabi na sa katapusan ng Enero ay magkakaroon na ng anunsyo patungkol sa laban  ngunit mangangalahati na ang buwan ng Pebrero pero wala pang linaw kung mangyayari ba o hindi ang bakbakan.

Sa Mayo 2 itinakda ang kanilang laban sa Las Vegas. Sakaling matuloy nga ang naturang laban ay kailangang magkasundo sila sa buwang ito para may panahon pa ang magkabilang kampo na makapaghanda sa pinakaaabangang sagupaan ng dalawang kampeon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending