Martin na-shock sa standing ovation kay Lani: Show ko ‘yun! | Bandera

Martin na-shock sa standing ovation kay Lani: Show ko ‘yun!

Ervin Santiago - February 10, 2015 - 03:00 AM

ultimate group
TAWA nang tawa ang members ng entertainment media sa mga bagong chika ni Martin Nievera sa huling presscon ng “ULTIMATE” concert kung saan makakasama nga niya sina Gary Valenciano, Lani Misalucha at Regine Velasquez.

Kaya nga siniguro ng apat na music icon na hindi lang mag-eenjoy sa kanilang production numbers ang manonood ng kanilang Valentine show dahil marami rin silang mga ibabanderang issue tungkol sa kani-kanilang personal na buhay.

Sa Feb. 13 at 14 na ang “ULTIMATE” sa SM MOA Arena at in fairness, mukhang ito na nga ang pinakabonggang local concert sa Pilipinas dahil for the first time, magsasama-sama ang apat na music icon ng bansa sa iisang stage.

At promise ng producers na sina Anna Puno at Cacai Velasquez, uuwing masaya at in-love ang manonood ng “ULTIMATE”.
Kahapon nga sa huling presscon na ipinatawag ng Starmedia Entertainment at I-Music, as usual enjoy na enjoy na naman ang mga reporter dahil sa walang kaare-arte at game na game na pagsagot nina Martin, Gary, Lani at Regine sa mga tanong.

Lalo na kay Martin na may ibinuking na naman tungkol sa isang concert na ginawa niya sa ibang bansa kung saan naging special guest niya si Lani.

Kuwento kasi ng Concert King, nu’ng magkaroon  siya ng show abroad ilang taon na ang nakararaan ay maswerteng nai-guest nila ang Asia’s Nightingale. Pero naloka raw siya sa mga sumunod na eksena nang tawagin na niya si Lani sa stage.

As in palakpakan daw ang audience kay Lani with matching stading ovation pa. Pero mas nabaliw ang Concert King nang magsigawan ang mga tao ng, “More, more!” “Imagine, that’s my show!

And people are asking more from her! Duh?!” Bukod dito, habang nagsisigawan ang mga tao ng “more” kay Lani, nakita na lang daw niya na isinasara na ang kurtina ng stage! Ha-haha! “Kaya nga after that I told her, hindi na kita ige-guest sa concert ko!”

“No, honestly, I’m so proud of this woman (Lani), sobrang galing niyang performer talaga. Kaya this ‘Ultimate’ concert, this is really for all of you guys, and like always tell people when they ask kung ano raw meron dito na wala sa ibang Valentine concerts – dito we have Regine, there’s Gary and Lani. And for me that’s unbeatable!” super proud pang chika ni Martin.

Samantala, inamin naman ni Lani na hindi lang puro sarap at tagumpay ang nangyari sa kanya sa Las Vegas kung saan nakagawa na rin siya ng pangalan kahit paano. In fairness, pati si Celine Dion ay palihim na nanood sa isa niyang show roon.

“Totoong masuwerte ako sa Las Vegas lalo’t nadala ko ang buong pamilya ko doon. Pero, mahirap ang pinagdaanan ko. Buti na lang at malalalim ang bulsa ng mga producer ko, kaya naka-survive.

“Napakalaki ng nagawa sa buhay ko ng Las Vegas, lalo na sa pamilya ko. Ang panganay ko may asawa na ngayon at binigyan na ako ng una kong apo. Two years old na siya at poging-pogi,” chika ng diva.

Dugtong pa niya, “Nagse-serve naman sa ating Panginoon ang daughter ko. Sinasabihan ko nga siya lagi,  ayoko namang tumanda siyang dalaga kaya advice ko sa kanya na mag-asawa din pagkatapos niyang mag-serve at masunod ang kanyang mission.

Mormons kami at puwedeng mag-asawa, kaya, susundin din niya tiyak ang payo ko. Nandito siya ngayon sa Pinas kasama ang mga katulad niya. Nagdyi-jeep at ini-enjoy kahit ang kawalan ng aircon sa kanyang kuwarto.

Masaya daw kasi siya.” Tungkol naman kay Regine, puro papuri rin ang sinabi ni Lani about the Songbird, bukod daw sa super funny ang misis ni Ogie Alcasid, very generous din daw ito.

“Yang si Regine, dating pinapanood ko lang ‘yan sa TV tuwing naglalaba ako. Tapos ngayon, kasa-kasama ko na siya, the same with Martin and Gary.”

Sinagot din ni Lani ang ikinuwento ni Martin tungkol sa pagiging “dighay” addict niya. Kasi raw, lagi siyang nagbe-burp kapag nagpe-perform on stage. Iyon ba ang isa sa mga sikreto ng powerful voice niya?

“Actually wala naman  siguro itong kinalaman sa boses ko. Kapag tumatalikod ako o papaling sa kaliwa o kanan ang mukha ko, iyon, nagbu-burp ako. cid reflux ang tawag dito.

It doesn’t bother me  naman, pero, gusto ko ng ipa-check up,” chika pa ni Lani. Siyanga pala, ang proceeds ng “ULTIMATE” concert ay mapupunta sa mga kapuspalad nating mga kabataan na inaalagaan ng World Vision.

Kung may inquiry pa kayo tungkol sa ticket (balitang soldout na ngayon) call lang kayo sa SM Tickets, o sa 470-2222.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

This is presented by GMA 7, PLDT Home DSL at Belo Medical Group and sponsored by Victoria Court, PLDT Home Telpad, Pacific Blue Shades & Watches, Luxent Hotel, Zim Cleanser.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending