ALASKA, NLEX TARGET ANG UNANG PANALO | Bandera

ALASKA, NLEX TARGET ANG UNANG PANALO

Barry Pascua - February 07, 2015 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(The Arena)
5 p.m. Alaska Milk vs NLEX

MAKABAWI buhat sa naunang kabiguan ang pakay ng Alaska Milk at NLEX na magsasalpukan sa PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-5 ng hapon sa The Arena sa San Juan City.

Matutuon ang pansin ng lahat dahil sa masusing  titingnan ang performance ng mga imports na sina DJ Covington at Al Thornton.

Si Covington ay nagtala ng 19 puntos nang matalo ang Alaska Milk sa defending champion Purefoods Star, 108-88, noong Martes. Karamihan sa kanyang puntos ay nagawa nang malayo na ang abante ng Hotshots.

Nais sana ng Aces na pabalikin ng dating Best Import na si Rob Dozier subalit nakapirma na ito ng kontrata sa Middle East.

Si Al Thornton, isang lehitimong NBA veteran, ay gumawa ng 28 puntos subalti natalo pa rin ang NLEX sa Rain or Shine, 96-91. Subalit wala pa sa kundisyon si Thornton at may iniindang injury na natamo habang naglalaro ang NLEX sa isang pocket tournament sa Dubai, United Arab Emirates.

Ayon sa isang source, malapit nang makumpleto ang pakikipagnegosasyon ng NLEX kay dating Purefoods import Denzel Bowles na baka maging kapalit ni Thornton.

Ang Alaska Milk, na sumegunda sa San Miguel Beer sa nakaraang Philippine Cup, ay kulang din ng dalawang key players dahil kapwa injured ang lead point guard na si JVee Casio at sentrong si Joaquim Thoss na mami-miss pa nila ng tatlong games.

Si Alaska coach Alex Compton ay sumasandig kina Calvin Abueva, Cyrus Baguio, Dondon Hontiveros, Eric Menk at rookie Chris Banchero.

Ang Road Warriors ay pinangungunahan nina Paul Asi Taulava, Jonas Villanueva, Enrico Villanueva, Aldrech Ramos at Niño Canaleta.

Samantala, tinalo ng Rain or Shine Elasto Painters ang Globalport Batang Pier, 104-98, sa kanilang PBA game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending