Lee Min Ho, Chow Yun Fat bibida sa SineAsia ng SM, Viva
Samantala, hindi sikreto na taun-taon ay namayagpag ang Pinoy at Hollywood films sa larangan ng sine sa Pilipinas. Ngunit, dahil sa pagbabago ng kinahihiligan ng mga kababayan natin sa kasalukuyang henerasyon, nagkaroon ng puwang ang mga pelikulang Asyano sa bansa.
Ang mga pelikula mula sa Japan, South Korea, Taiwan at China ay hindi lamang patok sa kanilang mga tagasubaybay, nahihigitan din nila ang mga pelikula sa Hollywood pagdating sa takilya.
Sa pagtaas ng kalidad ng mga pelikulang Asyano, maraming Pilipino na ang nahihilig dito at nagnanais na mapanood ito sa malala-king sinehan.
Dahil dito, nagtulong nga ang SM Lifestyle Entertainment Inc., at Viva International Pictures para maipalabas ang mga pinakahihintay na Asian films sa SM cinemas.
Sa ginanap na press launch kamakailan, nilagdaan ni Edgar C. Tejerero, presidente ng SM Lifestyle Entertainment at Vic del Rosario, Chairman of the Board at CEO ng Viva Communications ang kontrata para sa pagtatag ng SineAsia.
Kasabay ng pagdiriwang ng ugnayan ng dalawa sa pinakamala-king entertainment company sa bansa, ay ang pagbubukas ng pinto para sa mga tanyag na pelikulang Asyano na ngayon ay mapapanood na nang nakasalin sa Wikang Filipino.
Ang SineAsia ay magtatampok ng mga nangunguna at pinakabagong pelikulang Asyano na eksklusibong ipalalabas sa SM Cinema at Walter Mart cinemas.
Lahat ng mga pelikula ay isasalin sa wikang Filipino para sa benepisyo nga mga manonood. Upang lalo mabigyang importansya ang pagtaguyod ng pelikulang Asyano, SM Lifestyle Entertainment ang kumpanyang namamahala sa SM cinemas at Walter Mart cinemas ay bumuo ng Sine Asia Theater na ididi-senyo ayon sa oriental na tema upang magbigay ng kakaibang karanasan sa mga manonood.
Ang Sine Asia Theater, ay ang unang sinehan sa bansa na magpapa-labas ng mga pelikulang Asyano na nakasalin sa wikang Filipino. Magiging pa-ngunahing atraksyon sa darating na Marso ang pelikulang “Gangnam Blues” na pinagbibidahan ng Korean superstar na si Lee Min Ho.
Kumita ito ng 7.6 million US dollars sa unang linggong pagpapalabas nito at inaasahan pang tataas sa pagpapalabas nito sa 13 pang ibang bansa sa Asya kasama na ang Pilipinas.
Ginamit pa ng nasabing pelikula ang tanyag at popular na kanta ni Freddie Aguilar na pinamagatang “Anak”. Ang mga pelikulang: “Vegas To Macau”, “Once Upon A Time In Shanghai”, “SPL 2”, “Mourning Grave”, “My Love, My Bride” at “Rise Of The Legend” na pinagbibidahan nina Chow Yun Fat, Tony Jaa, Nicholas Tse at Kim So-Eun ay nakatakda ring ipalabas sa SineAsia Theater.
Mapapanood ang mga nasabing pelikula sa mga sumusunod na sinehan na naitalagang magtampok ng mga pelikulang Asyano: SM Megamall, SM Sta. Mesa, SM Fairview, SM Iloilo, SM Bacoor, SM Cebu, SM Manila at SM North Edsa para sa pagtatatag ng SineAsia Theater sa bansa.
Ang SM Cinema ay bukas sa posibilidad na pagpapalabas sa iba pa nitong sangay sa bansa depende sa taas ng pangangailangan ng mga pelikulang Asyano na maipalabas.
Sa pamamagitan ng SineAsia, maaari ninyo nang lakbayin ang buong Asya sa bawat pelikulang inyong mapapanood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.