Susuwertehin na sa ika-3 pag-aasawa
Sulat mula kay Annalyn ng Poblacion, Tambuling, Zamboanga del Sur
Dear Sir Greenfield,
Hindi ako pinalad sa una kong pag-aasawa. Nagsama lang kami ng almost three years tapos nagkahiwalay na kami. Nagkaroon kami ng isang anak tapos nagluko at nambabae na siya. Sa ngayon ay namamasukan ako sa isang restaurant para buhayin ang kaisa-isa kong anak na babae at naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung makapag-aasawa pa ba ako? At kung makapag-aasawa pa ako sa ikalawang pagkakataon, magiging maligaya na kaya ako? May nanliligaw kasi sa akin na isinilang noong April 9, 1989 at November 8, 1988 naman ang birthday ko. Compatible po ba kami at kami na po ba ang magkakatuluyan?
Umaasa,
Annalyn ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Tatlo ang namataang Marriage Line sa iyong palad (Illustration 1. arrow 1., 2. at 3) kung saan, ang pangatlong ang pinakamalinaw, makapal, at mahaba. Ibig sabihin, sa ikatlong pag-aasawa ay sigurado ang magaganap – habambuhay kang liligaya.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Three of Diamonds at King of Clubs, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung nabigo kaman sa una at maaaring mabigo na naman sa ikalawang pag-aasawa, sa ikatlo na sa 2016 pa darating – habambuhay kang magiging maligaya.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.