Luis kay Toni: Para sa kanya si Paul at para sa akin si Angel!

By Ervin Santiago February 04,2015
share this

Luis kay Toni: Para sa kanya si Paul at para sa akin si Angel!

By Ervin Santiago February 04,2015
share this

angel ocsin
Super happy si Luis Manzano sa pag-level up ng relas-yon nina Toni Gonzaga at Paul Soriano. Natanong ang binata sa presscon ng pagbabalik ng Deal Or No Deal sa ABS-CBN kamakailan tungkol sa engagement ni Toni kay direk Paul, e, kasi nga isa si Toni sa mga niligawan noon ni Luis pero hindi sila nagkatuluyan.

“I’m very happy for them. To some degree, I was…I’ve seen their relationship evolved, kilala ko si Toni bago pa pumasok si Direk Paul sa buhay niya. So, I’m very proud for Toni and Direk” simulang pahayag ng TV host-comedian.

Feeling ba ni Luis kung naging sila noon ay mauuwi rin sa kasalan ang relasyon nila ni Toni? “Sabi nga ni Toni, si Toni nga yung perfect na nagsabi na, siguro nga, kaya nga things didn’t end well para sa amin in terms of romantic relationship, because ito yung destiny namin.

“She is destined to be with Direk Paul, I’m destined to be with Angel (Locsin),” sey pa ni Luis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending