Naghahanap ng mapapangasawa | Bandera

Naghahanap ng mapapangasawa

Joseph Greenfield - February 02, 2015 - 06:47 PM

Sulat mula kay Charinah ng Diaz Subdivision,Lagao, Gen San City

 Dear Sir Greenfield,

Sa edad kong 36 nararamdaman kong nagkakaedad na ako pero until now wala pa akong stable na relationship. Wala akong seryosong boyfriend kaya nais ko sanang patignan sa inyo ang aking kapalaran kung kailan ako magkaka-boyfriend ng seryoso at totohanan. Sa limang magkakapatid nagkataong ako pa ang panganay, ako na lang ang walang asawa. Kaya kung ako lang ang masusunod gusto ko na sanang mag-asawa. Kailan kaya ako makapag-aasawa at pag nakapag-asawa ako magiging maligaya kaya ang papasukin naming pamilya? December 16, 1978 ang birthday ko.

Umaasa,
Charinah ng Gen San City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Buti na lang kahit 36 na ang iyong edad, kinakitaan pa rin ng malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) ang iyong palad. Ibig sabihin, basta’t natuto kang maghintay, ang takdang panahong inilaan ng kapalaran, kusa ka ring makapag-aasawa at magkakaron ng isang masaya at pang habambuhay na pamilya.

Cartomancy:

Seven of Hearts, Three of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ng Marso may isang lalaking darating na halos kasing tanda mo rin, liligawan ka nya at pagsapit ng buwan ng Hulyo, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2015 magkaka-boyfriend ka nang totohanan at seryoso.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending