Manager ni Mocha walang kwentang kausap; pera-pera ang laban (PART 2) | Bandera

Manager ni Mocha walang kwentang kausap; pera-pera ang laban (PART 2)

Jobert Sucaldito - February 02, 2015 - 03:00 AM

mocha uson
NARITO ang continuation ng isinulat ko kahapon tungkol sa manager ng sexy performer na si Mocha Uson na hindi marunong makisama sa mga tulad naming maliliit na producers, kumbaga pera-pera rin pala ang pinaiiral nila sa mundong ito.

Sabi nga namin, wala kaming naging problema kay Mocha na itinuturing na rin naming kaibigan dahil maayos naman itong kausap at marespeto sa amin.

Nu’ng nagsisimula pa lang ang grupong nila, talagang nandiyan lang kami lagi para sumuporta sa kanila. Sabi ko nga, since mahilig naman kaming tumulong sa mga baguhang artists, binuksan namin agad ang aming puso para makatulong sa mga tulad ni Mocha.

Ang talagang naging problema lang ay itong manager niyang si Byron (Lor Byron Cristobal ang Facebookname niya) na nu’ng simula ay very accommodating and friendly, pero lumabas din ang tunay na ugali, mukhang pera rin pala siya. Imagine, pinaikut-ikot pa kami sa isang munting project ng kaibigan naming producer tapos waley din pala.

Mas nangibabaw kasi sa kanya ang kislap ng salapi kesa sa pakikisama.May mga tao talaga kasing mahirap pakiusapan. Kung talagang may pakisama siya, sanay nagsabi na siya agad kung puwede o hindi ang talent niyang si Mocha. Imagine,tinanggihan ang P75,000 offer ko sa isang so-so lang na  show.

Eh iyon lang ang kaya ng friend kong producer dahil maliit na event lang naman iyon eh. Kaya sumama talaga ang loob ko sa kanila – kasi nga, lahat naman ng demands nila ibinibigay namin.

They usually request for two (2) vans and ibinibigay ko iyon outside the talent fees. Kaya talagang nagalit ako – mga mukhang pera sila.”Hindi lang naman ikaw Kuya Jobs and nakaranas ng ganyan kay Byron.

Ako kasi ang na-assign to find artists para sa DZMM caravan here and abroad. Ilang beses kong tinext at tinawagan iyang si Byron pero maniwala ka bang never nag-return call or nag-text back sa akin iyan.

“Kaya noon pa man ay turned off na ako sa kanila. Hindi ko lang masabi sa iyo kasi baka magalit ka sa kanila. Hindi naman ako nanghihingi ng pabor for free – it’s a DZMM inquiry kasi nga may nag-request na baka puwede sila ang kunin naming guest. Kaya since then, I never texted him or called him back,” ani Papa Ahwel Paz.

“Kami naman ay kinuha sila sa isang event out of town. Yes, totoong may demand ang Byron na iyan na kailangang dalawang vans sila palagi at sometimes may extra sasakyan pa para raw sa mga gamit nila. Yung konting kikitain mo as agent sa mga shows ay maiaabono mo pa tuloy dahil iba ang trip niya.

“Pahirapan muna bago makuha ang talents niya kaya after ng booking kong iyon with them never ko na silang kinuha ulit. Kahit ipagpilitan pa ng producers ko na kunin sila, dinadahilan kong meron na silang commitment kahit wala naman. Kaya nagtagumpay ako. Ha-hahaha!” sabi ng isang promoter-friend ko.

Ako naman, simple lang ang patakaran ko sa buhay – kung ayaw nila, hindi ko sila pipilitin. Napakaraming artists sa bansang ito. At huwag nilang kalimutang kung sino ang nakasalubong nila pag-akyat nila ay sila ring ang makakasalubong nila sa kanilang pagbaba.

Hindi pa man sila nakararating sa tugatog ay nagyabang na – what more kung sikat na sikat na sila? I don’t like these kinds of attitude ng ibang talent managers. Ako ay nagma-manage din. I am handling Michael Pangilinan now.

He may have made a little name for himself this time pero alam namin kung saan kami nakatayo. And I may say that I am one of the easiest to deal with kaya nga siguro left and right ang mga shows ni Michael ngayon.

Pag merong tumawag, nabibigyan ko ng sagot agad within a very short period of time – minsan minutes lang, nagkakasarahan na kami ng mga kausap ko.

Kasi nga, malalaman mo naman kung available ang artist mo dahil hawak mo naman palagi ang schedule book mo. Kahit Sarah Geronimo pa iyan, alam agad ng managers niyan ang schedule nila.

Hindi yung maraming paligoy-ligoy, di ba? Basta malinaw lang naman ang usapan, bakit kailangang patagalin pa. Simpleng details lang naman iyan – saan ang venue; anong oras, magkano ang offer; ilang songs – mode of payment, etcetera.

Aside from that, little details na lang kung kinakailangan pero yung patatagalin pa, bulls***t  sa akin iyan. Bakit pahihirapan ang mga producers? Mahirap yatang mag-produce.

Kaya nauunawaan ko ang mga producers kasi nga nagpuprodyus din ako. Dapat matutunan nitong si Byron and his likes ang makisama, ang magkaroon ng konsiderasyon. Hindi yung puro kabig lang sila.

Kaya mula ngayon, I am appealing to everyone na makabasa nito, kung may balak kayong kunin ang Mocha Girls na hina-handle ng Byron na ito, GOOD LUCK! Kung ayaw ninyong sumakit ang ulo ninyo, naku – alam niyo na ang gagawin. CHANGE ARTIST, mga Ining!

Patay kayo sa sakit ng ulo pag ipinagpilitan ninyong kunin ang Mocha and her girls. Magaling pa naman sana sila pero kung sakit naman ng ulo ang aabutin ninyo, might as well find other artists na lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming mas magagaling pa riyan kaya huwag na kayong kumuha ng batong ipupukpok niyo sa ulo ninyo, OK?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending