Mga suspek sa kaso ni Cristina Decena kakasuhan ng attempted murder
Napaiyak ang businesswoman na si Cristina Decena when finally ay lumabas ang resolution para kasuhan ng attempted murder ang mga taong nagtangka sa kanyang buhay.
After more than a year and a half ay natanggap na ni Cristina ang resolution noong Wednesday nang hapon. “Dasal lang ako nang dasal for more than one year. Ni hindi ako nag-follow up, basta dasal lang ako nang dasal.
Iyak ako nang iyak kasi meron palang hustisya. Ang tagal nang ipinaghintay ko, about one year and a half,” maluha-luhang sabi sa amin ni Cristina over the phone.
Ilang tao ang sasampahan ng attempted murder case sa resolution na aming nakita, lahat sila ay may piyansang P120,000 para sa pansamantala nilang paglaya.
Tuwang-tuwa si Cristina kay Quezon City Prosecutor Donald Lee dahil dininig nito ang kanyang matagal nang panalangin na umusad na ang kasong isinampa niya sa korte matapos siyang tambangan.
Kasama ni Cristina ang isa niyang anak na lalaki at isa pang kasambahay nang pagbabarilin sila habang sakay ng kanilang van. Nakaligtas ang tatlo at hindi talaga pinabayaan ni Cristina ang kaso.
“Hindi lahat ng piskal ay nababayaran. Kumapit ako sa hustisya, sa merito ng kaso, ‘di ako naglakad,” sabi niya. Puring-puri ni Cristina si prosecutor Donald Lee dahil ultimo spotter ay kinasuhan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.