ANGEL, nagbabalak tumakbo sa susunod na eleksyon? | Bandera

ANGEL, nagbabalak tumakbo sa susunod na eleksyon?

- April 30, 2012 - 05:18 PM

Kaya raw super busy sa mga charity projects

PARA kay Angel Locsin, bata pa ang 27 (nag-birthday siya last April 23) para sa usaping kasal kaya wala pa raw talaga sa priorities niya ang mga ganitong bagay.

Say ng Kapamilya actress kahit daw ang boyfriend niyang si Phil Younghusband ay never pang naging open tungkol sa pagbuo ng sarili nilang pamilya.

“Wala pang ganu’ng level. Kasi may tatlong taon pa akong kontrata sa ABS-CBN, so malabo yung kasal! Ha-hahaha!” depensa ni Angel.

“Okay naman kami (ni Phil). Okay siya. Masaya.

Napakabait na tao. Sabi nga nila pag maganda ang takbo ng personal life mo, maganda rin yung takbo ng career, parang ang bagay lang namin kasi lahat ng positive, kumbaga perfect kasi magkasama kami. Naks! Ha-hahaha!” pahayag ni Angel na ang seksi-seksi pa rin hanggang ngayon.

Hanggang ngayon daw ay wala pa ring label ang kanilang relasyon ni Phil, “Sa amin kasi yung pagiging boyfriend-girlfriend, parang we’re more than that.

Parang hindi namin kailangan ng labels pero kumbaga siya ang lahat sa buhay ko at ako ang lahat sa buhay niya.

Parang he’s my everything!” kinikilig pang chika ng aktres.

Pero para kay Angel ang number one pa rin sa priorities niya ay ang kanyang trabaho at ang kanyang pamilya.

Aniya, mas pag-iibayuhin daw nila ang ginagawa nilang mga charity works, lalo na sa mga kapuspalad nating mga kababayan.

“Marami akong birthday wishes sa totoo lang. Sa trabaho, sa personal, marami, marami tayong gustong mangyari.

Alam ko magkakaroon ng blood drive yung Red Cross nitong July so sana maraming sumuporta kasi yung mabubuong pondo du’n maraming matutulungan talaga.

“Sa mga hindi nakaka-afford na makabili ng dugo, ibibigay sa kanila ng libre.

So, marami tayong maliligtas na buhay. Tumutulong lang ako pero hindi sa akin ‘yun,” chika ng aktres.

Hindi kaya dahil sa mga ganitong mga charity projects ni Angel ay mapasok din siya one day sa politics?

Malapit kasi talaga siya sa mga mahihirap at talagang lagi siyang nauuna sa pagbibigay ng tulong kapag may mga trahedya sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, para sa amin, pwedeng-pwedeng maging public servant si Angel dahil nararamdaman namin na sincere ang pagtulong niya sa mga tao at wala siyang hinihinging kapalit sa bawat effort na ginagawa niya sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending