SHARON: Bastusan na talaga 'yun! | Bandera

SHARON: Bastusan na talaga ‘yun!

|April 30,2012
facebook
share this

SHARON: Bastusan na talaga ‘yun!

- April 30, 2012 - 01:31 PM

Kapag pinagtapat daw ang show nila ni KC

Inamin ni Sharon Cuneta na masasaktan siya kapag itinapat ng ABS-CBN sa unang programa niya sa TV5 ang iho-host na talent search ni KC Concepcion.

Ito ay ang The X-Factor na malapit na ngang magsimula.

Sa presscon ng Sharon, Kasama Mo, Kapatid na eere na ngayong darating na Mayo, sinabi ni Sharon na umaasa siya na hindi magiging magkalaban sa timeslot ang show nila ni KC.

“Masasaktan ako (kapag naglaban sa ere) kasi anak ko ‘yun. Parang bastusan naman yun ‘pag anak ko.

“Pero you know, whatever it is, huwag sana.

Huwag sana anak ko. Kahit pa sino. Kung si Juday (Judy Ann Santos), maiintindihan ko, or kung sinuman. Huwag naman si KC,” ang pakiusap ni Mega.

Mapapanood ang Sharon, Kasama Mo, Kapatid mula Lunes hanggang Biyernes (hindi pa sigurado ang timeslot), aty ito’y co-production ng TV5 at Mega Productions.

Sa teaser na napanood namin, ang mga unang magiging bisita ni Mega sa kanyang programa ay sina Councilor Shalani Soledad at asawa nitong si Cong. Roman Romulo, sina Nanay Cristy Fermin at Nay Lolit Solis, at si Janelle Manahan kung saan kitang-kita ang paghagulgol ni Mega habang nagkukuwento tungkol sa naging buhay nila ni Ramgen Revilla.

“Hindi ako iniwan ng mga tao sa hirap at sa ginhawa. walang katumbas ang suportang natatanggap ko sa publiko sa loob ng 30 years ko sa showbiz.

Ngayong nasa bago na akong tahanan, sa TV5, pagkakataon na siguro para suklian ko ang pagmamahal ng mga tao sa akin,” ani Sharon na maluha-luha. “Ang mga kababayan natin ang bida sa programang ito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending