Usaping Binay, Erap, BBL | Bandera

Usaping Binay, Erap, BBL

Leifbilly Begas |January 28,2015
facebook
share this

Usaping Binay, Erap, BBL

Leifbilly Begas - January 28, 2015 - 03:00 AM

MAAWA kaya ang tao at makakuha ng simpatya ang pamilya Binay sa sandaling makulong si Makati City Mayor Junjun Binay?

Walang sensyales na magtatago ang anak ni Vice President Jejomar Binay. At alam nila na hindi ito magiging maganda sa mata ng publiko kaya hindi nila ito gagawin.

Kaya ang tingin ng marami, gusto ng mga Binay na kaawaan sila. Gusto nila na magmukha silang inaapi ng gobyerno.

Matapos nga naman durugin sa pagdinig ng subcommittee ng Senate blue ribbon ay ikukulong pa ang alkalde.

Pero huwag kalilimutan na ipinahuli ang mayor dahil ayaw niyang humarap sa imbestigasyon ng Senado.

Hindi maikakaila na mayroong maawa sa pamilya Binay. At syempre mayroong susuporta sa kanila.

Hindi maiaalis na mayroon silang mga tunay na kaibigan na mananatili sa kanilang tabi ngayong mayroon silang kinakaharap na unos.

Pero meron din namang hindi maaawa lalo na ang mga naniniwala na totoo ang usapin ng kanilang pangungurakot.

Lalo na ang mga nakakaalala pa sa TV commercial ni VP Binay noong 2010 elections na noong bata pa siya ay nag-aalaga lamang siya ng baboy.

At ngayon, ano na ba sila ngayon? Base sa lumalabas sa mga pagdinig sa Senado, hindi ba’t nagmamay-ari na siya at ang kanyang mga anak ng mga magagarang bahay na ang isa ay napabalita pa na mayroong elevator.

Ang mga hindi naniniwala, ang alam sila ay nagpapaawa.

Sa linguwahe ng mga bagets ngayon, siya ay pa-victim.

Bukod sa problemang ito ng mga Binay, nariyan din ang banta ng pagwatak-watak ng oposisyon matapos na malinis ang daan para sa posibleng pagtakbo ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa presidential race sa 2016.

Kung mahahati nilang dalawa ang boto ng mga ayaw sa mamanukin ng Aquino administration, mahihirapan silang manalo.
Pero paano kung sadyang pinatatakbo lang si Erap para hindi manalo si Binay?

Mukhang magtatagal pa ang gulo sa Muslim Mindanao matapos na mapatay ang maraming pulis (iba-iba ang numero ng mga namatay) ng Moro Islamic Liberation Front.

At walang kaduda-duda na makakaapekto ito sa isinusulong na bagong otonomiya para sa mga mga Muslim sa Mindanao.

Mukhang hindi papayag ang mga pulis na kalimutan na lamang ang pagkamatay ng kanilang mga kasama.

Kaya malabo na tumigil kaagad ang putukan. Magulo na naman sa Mindanao.

O baka naman sinadya ito para hindi na matuloy ang Bangsamoro Basic Law na inaayawan ng mga pulitiko na natatakot na mawalan ng puwesto sa itatayong gobyerno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patapos na ang Aquino government kaya mukhang isa ang oras sa magiging problema para matuloy pa ang BBL at marahil ay bahala na ang susunod na administrasyon kung ano ang gagawin sa usapang pangkapayapaan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending