Frencheska mas naging palaban sa buhay | Bandera

Frencheska mas naging palaban sa buhay

Ervin Santiago |January 27,2015
facebook
share this

Frencheska mas naging palaban sa buhay

Ervin Santiago - January 27, 2015 - 03:00 AM

franchezca farr
MARIING itinanggi ng Kapuso singer-actress na si Frencheska Farr ang chika na may mga reklamo siya sa GMA 7 na siyang nagpapatakbo sa kanyang career.

Ayon sa dalaga, okay naman ang relasyon niya sa GMA Artist Center at hanggang ngayon naman ay hindi siya nababakante sa trabaho.

May mga chika kasi na hindi na raw masaya si Frencheska sa takbo ng career niya sa Kapuso network, bukod dito, malapit na ring mag-expire ang kanyang six-year exclusive contract sa istasyon.

Kung matatandaan, pumirma ng exlusive contract ang singer-acterss sa GMA Artist Center six years ago matapos siyang manalo sa reality singing search ng Siyete na Are You The Next Big Star? (umere noong 2009).

Pero sabi nga ni Frencheska, masaya pa rin siya bilang Kapuso. In fairness naman kay Frencheska, marami-rami na rin siyang napatunayan pagdating sa pagiging performer, at ilang teleserye na rin ang nagawa niya simula noong magsimula siya bilang Kapuso artist.

Sa katunayan, kasama siya ngayon sa GMA Telebabad series na Second Chances bilang kaibigan ni Jennylyn Mercado. Ang huli niyang soap ay ang Binoy Henyo na pinagbidahan ni Sheena Halili.

Regular din siyang napapanood sa Sunday All Stars kung saan naipakikita naman niya ng kanyang talento sa pagsayaw at pagkanta.

“Pinakakanta rin nila ako ng mga teleserye theme songs, and kapag may regional shows ang GMA, lagi po akong sinasama at sa mga events mismo ng GMA. Kaya in terms of exposure, okey naman po.

Happy po ako and satisfied,” paliwanag ni Frencheska nang mainterbyu ng ilang member ng entertainment media sa pocket presscon for her new single “Let My Fire Out” na siya mismo ang nag-compose.

Ayon kay Frencheska ang bagong single niyang ito ay isang “coming out” performance para sa kanya. Very personal daw ang kantang ito dahil nu’ng sinusulat niya ang “Let My Fire Out” ay meron siyang pinagdaraanan.

Ayaw nang magdetalye pa ng dalaga tungkol dito, pero aniya, mas naging matapang, mas naging matatag at mas naging positive pa ang outlook niya sa buhay matapos niyang mapagdaanan ang bahaging iyon ng kanyang buhay.

May music video na rin ang nasabing kanta na ipinanood sa amin ng dalaga during the pocket presscon, at in fairness, halos lahat ng members ng entertainment press ay na-impress sa pagkakagawa nito.

Very modern  ang atake pero ramdam na ramdam mo ang puso ng kanta. Sabi nga namin, pwedeng-pwede itong makipagsabayan sa mga napapanood nating MTV ng kilalang international artists dahil bukod sa glossy na ay ang galing-galing pa ng performance ni Frencheska.

Pwede n’yo na itong ma-download at available as MP3, MP3 320, at FLAC files. Samantala, chika ng singer-actress, anim na taon na ang lumipas simula nang manalo siya sa Are You The Next Big Star? ng GMA, “Imagine, 16 lang ako nu’n.

Now I’m 22 years old na. Parang ang bilis, di ba? Sa GMA 7 na ako nagdalaga talaga.” Kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang mag-focus sa pagkanta, “Kasi more than being an actress, first love ko talaga ang singing.

Gusto kong mag-produce ng sarili kong album with songs na ako ang nag-compose.” Kasama rin daw sa plano ni French ang makagawa muli ng musical stage play, noong 2013 nakasama siya sa Grease at talaga raw nag-enjoy siyang kumanta at umarte on stage.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

And also, wish din niya na makagawa uli ng musical film tulad ng ginawa niya noong 2010, ang “Emir” na idinirek ni Chito Roño.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending