ANG Diyos daw ang kakampi ni Piolo Pascual para maging matatag sa gitna ng kaliwa’t kanang kontrobersiya na kanyang kinasasangkutan.
Say ni Piolo, talaga lang daw napakalakas ng pananampalataya niya kaya hanggang ngayon ay “buhay na buhay” pa rin siya.
Sa presscon ng bagong pelikula ni PJ sa Star Cinema, ang “Every Breath U Take” kung saan kasama niya si Angelica Panganiban, binato siya ng isang pick-up line ng ating colleague na si tita Mercy Lejarde.
“May lahing ibon ka ba?” na agad namang sinagot ni Piolo ng, “Bakit?” “Kasi lagi kang tinitirador pero nakakalipad ka pa rin.”
Sumeryoso si PJ at nag-dialogue ng, “Sa totoo lang po, siguro pananampalataya lang talaga sa Itaas ang meron ako. ‘Yun lang po, wala nang iba.“Coming here sa presscon, kanina po naisip ko, sabi ko regardless of whatever happens sa buhay ng isang tao, you just really have to learn to be content.
“So, kung anumang meron ka, importante na kuntento ka sa buhay mo.
Sa kung anuman po ang nangyayari sa akin, masaya po ako.
Meron man ako o wala, at siyempre kung maraming blessings masaya pa rin po ako.
“Kaya nagpapasalamat po ako because hindi ako pinababayaan ng Diyos.
At lahat po ng nangyayari sa buhay ko, whether good or bad, ay itinataas ko lang po sa Kanya.”
Anyway, naaliw naman kami sa trailer ng “Every Breath U Take” na showing na sa May 16 nationwide.
Tawa kami nang tawa sa mga kagagahan ni Angelica.
Hindi naman komedyante si Piolo kaya nagulat kami dahil nakakasabay siya sa mga kalokahan ni Angel.
In fairness, malakas ang feeling namin na kakabog din ito sa takilya once na mag-showing na.
Kaya nga say ni PJ, talagang humahanga siya sa pagiging versatile actress ni Angelica, ibang klase raw ang timing nito sa comedy.
“Sobra talaga akong bilib sa kanya, how she has evolved, how she has bloomed, how she has blossomed.
“Tinitingnan ko ‘yung mga pictures namin… actually, sa lahat ng mga nakapareha ko, si Angelica ‘yung pinakamaraming photos kami together. Iba talaga ‘yung… kasi bata pa lang, pinapanood ko na ito, e.
“Makikita mo talaga sa kanya na nagbabago siya at lalo pa siyang gumaganda, lalo pa siyang gumagaling.
She’s becoming more comfortable sa craft niya, sa skill niya. She is in a class of her own.
Hindi siya maarte. Hindi siya mahirap pakisamahan at hindi ka mai-intimidate sa kanya because puwede mo siyang ilagay kahit saan,” say ni Papa P.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.