Horoscope, January 27, 2015 | Bandera

Horoscope, January 27, 2015

Madam Sophia |January 27,2015
facebook
share this

Horoscope, January 27, 2015

Madam Sophia - January 27, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa taong ito kung sadyang sayo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sayo yon ng kusa. Iwasan ang kumplikadong pag-iisip matutong mag-relaks. Sa pag-ibig iinit ng kusa ang relasyon habang lumalamig ang panahon. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—   Sa taong ito ng 2015 tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan, na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 1, 10, 19, 25, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dheemari-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—  Hindi mo ba napapansin mabilis na nauubos ang pera? Ilunsad na ngayon ang malawakang pagtitipid. Kumbinsehin ang bawat miyembro ng pamilya na magtipid na din. Sa ganyang paraan mas madali kayong uunlad. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Beejaa-Om.” Green at blue ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—Makuntento sa kasalukuyang buhay, hindi dapat mainggit sa iba. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil ikaw din ay may mga pagkukulang. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Namo-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—    Upang wag malungkot, wag mag-expect ng magagandang mga bagay, kumilos ka lang ng natural. Sa pag-ibig, kahit tumunganga ka kusa mong maakit ang isang Scorpio, siya ang katugma at ka-compatible mo. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Green at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Sa taong ito wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng kasuyo. Sa ganyang paraan, mas magiging okey ang inyong suyuan at mas malaking kita ng salapi ang kusang darating. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit-Om.” Silver at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa taong ito ng 2015 higit sa iyong inaasahan ang suwerteng darating. Basta’t tuloy-tuloy mo lang gawin ng walang reklamo ang ipinapagawa sa iyo ng tadhana. Sa pag-ibig ang suyuan namamgitan sa inyo ng isang Taurus ay lalong bubuti at iinam. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green at buenas din ang blue.

 Libra – (September 23-October 23)—    Kapag maganda ang kapaligirang ginagalawan lalo kang susuwertehin at dadatnan ng magandang kapalaran.  Kapag lagi kang in love, ganon din ang mangyayari, maraming suwerte ang kusang darating.  Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Rama=Om.” Blue at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi ka uunlad kung mananatiling  nag-iisa kasusyong isinilang sa petsang 5, 14 at 23 ang magpapayaman sayo. Sa pag-ibig okey ang ka-partner na Cancer o kaya’y Capricorn.  Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om.” Green at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa taong ito ng 2015 lalo kang susuwertehin kung marunong kang magpatawad. Kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyo. Sa pinansyal, upang bumalik ang mga kliyente at dumami ang kita, babaan mo lang ang presyo ng iyong paninda.  Mapalad ang 5, 17, 23, 26,  31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.

 Capricorn – (December 22 – January 19)—Huwag pang himasukan ang buhay ng iba. Sariling kalakal na ikaw rin ang may gawa at umimbento, ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig, hayaan mo lang kung ano ang gusto ng kasuyo upang maiwasan ang diskusyon. Mapalad ang 6, 9, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin pa! Habang nagpapakabuti at nagpapakumbaba darating ang limpak-limpak na salapi. Wag lokohin ang kasuyong Libra, dapat lang na maging tapat ka sa kanya. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Magiging matagumpay ang buhay sa larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, dati parin – patuloy na kakapusin. Ang pinakamabuting gawin ay  mag-tipid. Hinay-hinay lang muna sa pag-gasta.  Mapalad ang 4, 19, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Yellow at orange ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending