Senate Circus, starring Ping ang Jinggoy | Bandera

Senate Circus, starring Ping ang Jinggoy

- September 30, 2009 - 12:00 AM

AKALA nina Sen. Ping Lacson at Sen. Jinggoy Estrada ay natutuwa ang kanilang mga kasamahan sa Senado sa mga palitan nila ng akusasyon.
Di natutuwa ang ibang mga senador sa labasan ng kani-kanilang baho.
Nakita naman ng mga nanood ng TV ang mga mukha ng mga ibang senador habang sina Ping at Jinggoy ay nagtatapunan ng basura sa isa’t isa.
Sa kanilang mukha, parang nakaamoy ng dumi ng tao ang mga ibang senador habang nakikinig sa privilege speech nina Jinggoy at Ping.
Pero ang hindi alam ng mga ibang senador ay gustung-gusto ng bayan ang pinaggagawa ng dalawang kolokoy sa Senate floor.
Bakit? Bukod sa mahilig ang mga Pinoy sa tsismis, nakikita nila tuloy ang kagaguhan ng mga lider na ibinoto nila.
Hala, sige, Jinggoy at Ping! Magbakbakan pa kayo habang kaming taumbayan ay naaaliw sa mga pinaggagawa ninyo.
Sinong hindi gustong manood ng circus?
apat ay nagsuot sina Ping at Jinggoy ng mga costumes ng komedyano o clown.
*                    *                               *
Binuksan ng Department of Justice ang kaso ng pagkawala ni Edgar Bentain, empleyado ng casino na nagbigay ng videotape ng paglalaro doon ng sugal na blackjack ni Erap.
Kitang-kitang si Erap, na noo’y bise presidente pa, at Atong Ang, ang kanyang sidekick, na nagpipinta ng baraha sa casino.
Ginamit ang videotape laban kay Erap sa kampanya para 1997 presidential election.
Nawala ng parang bula si Bentain ilang buwan nang naging Pangulo na si Erap.
Sinabi ni Ping Lacson sa kanyang privilege speech na si Bentain ay dinukot at pinatay sa Laguna.
Di na nahiya itong si Ping.
Ang pagdukot at pagpatay kay Bentain ay kanyang kasiraan dahil ang kanyang mga tauhan sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOC-TF) ang may gawa.
Kahit na sabihin niyang wala siyang alam ay hindi naniniwala ang taumbayan sa kanya.
*                 *                                  *
Ibinibintang ni Ping ang pagdukot at pagpatay ng casino worker kay Erap na kanyang dating boss.
Gaya ni Senate President Juan Ponce Enrile sa kanyang privilege speech, naniniwala ako na walang kinalaman si Erap sa pagpatay kay Bentain.
Si Erap ay matapang lang sa pelikula, pero mahina ang kanyang loob pagdating sa patayan.
Hindi ako naniniwala na iniutos ni Erap na dukutin at patayin si Bentain.
Maaaring nagpasikat ang ilang tauhan ng PNP sa kanya at pinatay nila si Bentain, at pagkatapos ay sinabi na lang kay Erap nang huli na.
Wala nang magawa si Erap dahil tapos na.
Si Erap ay mapagpatawad na tao. Madali siyang makalimot sa mga kasalanan sa kanya.
Tingnan mo na lang si Sen. Loren Legarda na isa sa mga nagpatalsik sa kanya noon sa Malakanyang.
Di ba kaibigan na sila ni Loren?
Isa pa, ang isyu ng pagsusugal ni Erap ay hindi nakaapekto sa kanyang kampanya. Bakit niya gagantihan si Bentain?
Makabubuti pang hanapin ng DOJ si Butch Tenorio, ang dating general manager ng Philippine Amusement and Gaming Corp.
Tiyak na makakapagbigay liwanag itong si Tenorio sa pagkawala ni Bentain.
*                *                               *

Mon Tulfo
Target ni Tulfo, BANDERA 092809

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending