Mj Lastimosa malakas pa rin ang laban sa Miss Universe | Bandera

Mj Lastimosa malakas pa rin ang laban sa Miss Universe

Ervin Santiago - January 25, 2015 - 03:00 AM

lj lastimosa
Bukas ng umaga na ang pinakahihintay nating lahat na 2015 Miss Universe beauty pageant kung saan makikipagtagisan ng ganda at talino ang ating Pinay candidate na si MJ Lastimosa.

Sa ilang araw ng pre-judging competition ay talagang umariba nang todo si MJ dahil isa nga siya sa mga kandidatang nakakatanggap ng pinakamalakas na palakpak mula sa audience, lalo na nang rumampa na ang Binibibing Pilipinas-Universe sa Swimsuit at National Costume competition.

At kahit na nga may mga bumatikos sa isinuot na National Costume ni MJ na feeling nila ay nagmukhang walking cake ang dalaga dahil sa design ng kanyang gown ay very positive pa rin ang sambayanang Pilipino na malakas ang laban ng ating kandidata sa magaganap na coronation night sa Lunes ng umaga na gaganapin sa Amerika.

Ayon naman sa mga nababasa naming comments sa social media, ang ilan sa magiging mahigpit na kalaban ni MJ sa Miss Universe pageant ay sina Miss USA, Miss India, Miss Spain at Miss Columbia.

Bukod kasi sa ganda at kaseksihan na ipinakita ng apat na kandidata ay pawang matatalino rin daw ang mga ito. Samantala, ipinagtanggol naman ng pageant analyst na si Jay Pataw si MJ sa mga bumabatikos sa National Costume nito.

Sabi ni Jay, nakeri naman daw ng ating Pinay candidate ang gown dahil sa projection nito. “Nakuha niya ‘yung moment na ‘yung kasi flawless siya eh. She was very impeccable sa lakad, in projecting.

And she was… perfect ang figure niya,” chika ni Jay sa interview ng 24 Oras. Pero mariing sinabi ni Jay na mas malakas ang magiging impact kung Filipino designer pa rin ang gumawa ng gown ni MJ at hindi isang foreigner.

“I would very much want to see a Bb. Pilipinas wear a gown and a costume done by a Filipino designer. Because a Filipino designer knows more than anybody else how a Philippine costume is to be made,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending