Edgar sa paglipat sa ABS-CBN: Gusto ko nang bago!
Mula TV5 ay tumawid naman sa ABS-CBN ang da-ting Kapatid artist na si Edgar Allan Guzman. Ang last show ng aktor bago siya nagpaalam at ang kanyang manager na si Noel Ferrer sa Happy network ay ang gag show na Tropa Mo ‘Ko Unli.
Nagpaalam naman daw sila ng maayos sa TV5 bago umalis. Nais naman nilang subukan ang bagong opportunity na mabibigay sa kanya ng Kapamilya network.
Pumirma sila ng kontrata sa ABS-CBN on a per show basis. At ang unang show na lalabasan ni Edgar ay ang daytime drama-series na Oh My G! na pinagbibbidahan ni Janella Salvador.
Nagsimula na last Monday, bago mag-It’s Showtime, ang Oh My G! at makakasama ni Edgar dito bukod kay Janella sina Janice de Belen, Sunshine Cruz, Dominic Ochoa at marami pang iba.
Bukod dito, mapapanood din si Edgar sa episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi. Makikipagtagisan siya ng husay sa pag-arte sa aktor na si Nonie Buencamino sa nakakaantig na kwento ng relasyonn ng isang ama at ng kanyang anak na binabae sa programa ni Charo Santos.
Gaganap si Edgar bilang ang bading na caregiver na si Jing, habang gagampanan ni Nonie ang role ni Adoy, na bagaman noong una ay kontra sa pagiging bading ni Jing ay nanatiling lakas ng kanyang anak sa gitna ng mga pagsubok na pinagdaraanan nito.
Kasama rin dito sina Shamaine Centenera, John Spainhour, Mikylla Ramirez, Casey da Silva, Neil Coleta, Kokoy de Santos at ex-PBB housemates na sina Vicky Rushton at Rica Paras. Ito’y sa direksyon ni Efren Vibar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.