Makakabayad na ba ng utang ngayong 2015? | Bandera

Makakabayad na ba ng utang ngayong 2015?

Joseph Greenfield |January 23,2015
facebook
share this

Makakabayad na ba ng utang ngayong 2015?

Joseph Greenfield - January 23, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Tessie ng Alfaro St., Tetuan,
 Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
May maliit  kaming tindahan, pero ang problema ay malapit nang maubos ang laman dahil tadtad kami ng mga pagkakautang. Nagtatrabaho ang mister ko sa isang sangay ng gobyerno pero maliit lang din ang kanyang suweldo habang ako naman ay nandito lang sa bahay at nagtitinda. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sa taon bang ito ng 2015 ay makakabayad na kami sa mga pagkakautang at malalagyan na kaya uli namin ng laman ang maliit na tindahan namin? Sa tindahan lang kasing ito halos kami umaasa sa aming ikinaabubuhay? May maipapayo ba kayong paraan para makabayad kami sa mnga pagkakatutang para umunlad na ang aming buhay? May 5, 1979 ang birthday ko at January 8, 1978 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Tessie ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
 Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung ikaw ay mag-aaplay sa abroad o kaya ang iyong asawa o kung sinuman sa iyong mga anak, tiyak ang magaganap. Hindi magtatagal—makakabayad kayo sa mga pagkakautang hanggang sa tuluyan ng  umunlad ang inyong kabuhayan.
Cartomancy:
Queen of Diamonds at Five of Hearts at Ten of Diamonds  ang lumabas (Illustration 1.) ang mga baraha ang nagsasabing basta’t may nag-aplay sa inyong pamilya sa abroad, ngayong taong ito ng 2015, sigurado ang magaganap—sa taon ding ito sa buwan ng Mayo o kaya ay Oktubre, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang nakatalaga sa isa sa mga miyembro ng inyong pamilya.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending