Horoscope, January 23, 2015 | Bandera

Horoscope, January 23, 2015

Madam Sophia |January 23,2015
facebook
share this

Horoscope, January 23, 2015

Madam Sophia - January 23, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2015 ay umpisahan mo nang palaguin nang palaguin ang kabuhayan. Sa pag-ibig, kapag ganitong malamig ang panahon ay mas makabubuting ipaghanda ng mainit na sabaw ang kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.”  Blue at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa taong ito ng 2015, hindi ka dapat magpabigla-bigla ng desisyon. Sa kawalang ingat ay may malaking problemang magaganap. Sa pinag-isipan na mabuting pagpapasya, darating ang kakaibang suwerte at ligaya. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Panahon na upang magtipid, kung saan, habang maikli ang kumot ay matutong mamaluktot, na ibig sabihin lang ay hindi ka dapat na maging magastos sa taong ito ng 2015. Sa pag-ibig, bigyang pansin ang matagal ng nire-request ng kasuyo. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Purple at pink ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)— Sa pinansyal, lalo mo pang pasiglahin ang kalakal na may kaugnayan sa transportasyon at modernong kumunikasyon, at sa pagkain upang mas madaling umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, i-text ang minamahal ng “I love you, Ingat ka at Kumain ka na ba?” Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. White at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Ngayon pa lang pinaplano na ang pakikipag-date sa kasuyo. Piliin ang mga lugar na mapuno, mahangin, tahimik at malapit sa kalikasan. Sa ganyang paraan ay lalong iinit ang pagmamahalan. Sa pinansyal, magtipid upang maraming panggastos sa araw ng mga puso. Mapalad ang 5, 7, 23, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Visnu- Purana-Om.” Green at black ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Dilaw at berde ang mapalad na kulay na dapat mong laging gamitin sa negosyo at maging sa pag-ibig man upang magtuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.”

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pag-ibig, tandaan na ang pagiging tapat sa kasuyo ay nagbubunga ng kaligayahan, at habang sa pananalapi, ang pagtitipid at pagsisinop ng kabuhayan ay nagbubunga naman ng pagyaman. Mapalad ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha”.  Gray at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Hindi laging sagana ang buhay, nauubos din ang pera kaya naman sa taong ito ng 2015 ay subuking mag-ipon at magtipid. Sa pag-ibig, wag tipirin ang minamahal dahil libre naman ang page-express ng pag-ibig at romansa. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Om-Raga-Om-Kastha.” Red at pink  ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Masosolusyunan ang problema kung lalapit sa kaibigang Cancer. Sa pinansiyal, isang Cancer din ang mauutangan! Sa pag-ibig, bagaman okay ang isang Cancer, mas higit kang kikiligin sa isang Aries. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at violet ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mahirap talagang mawalay sa minamahal ngunit kailangan mong gawin para sa ikauunlad ng inyong kabuhayan. Sa muli ninyong pagkikita ay may napakasarap na romansang magaganap! Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Purple at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa negosyo sa taon ito ng 2015, laging maging tapat sa kausap upang mas kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong maangas dahil darating ang panaho na mapapasunod mo rin siya.  Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Yellow at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Panahon na upang magbagong-buhay, na nililimot ang nakaraan at hindi iniisip ang darating. Sa halip, mag-concentrate ka sa kasaluyan sapagkat sa ganyang paraan lamang ikaw ay liligaya at aasenso sa buhay.  Mapalad ang 4, 15, 24, 34, 43, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa taong ito ng 2015, wag kang masyadong mabahala sa future. Sabi nga ng mga Christian: “Si God ang bahala diyan.”  Sa pag-ibig, yakapin nang mahigpit ang kasuyo at mga mahal sa buhay at isiping mong ito na ang huling araw upang ipadama ang iyong wagas na pagmamahal. Mapalad ang 7, 16, 26, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Blue at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending