Ate Guy nasa panganib ang buhay, nakakatanggap ng death threats | Bandera

Ate Guy nasa panganib ang buhay, nakakatanggap ng death threats

Ervin Santiago |January 23,2015
facebook
share this

Ate Guy nasa panganib ang buhay, nakakatanggap ng death threats

Ervin Santiago - January 23, 2015 - 03:00 AM

NORA AUNOR

NORA AUNOR

NASA panganib daw ang buhay ng Superstar na si Nora Aunor. Ito‘y may kinalaman sa kasong isinampa niya laban sa kanyang pinsan sa Municipal Trial Court ng Iriga City, Camarines Sur.

Ayon sa ulat, may nagpapadala raw ng text message kay Ate Guy na puro pagbabanta sa kanyang buhay ang laman. Sa ulat ng ABS-CBN, naniniwala ang singer-actress na ang death threats sa kanya ay dahil sa demandang inihain niya laban sa kanyang pinsan na may kinalaman sa agawan sa lupa.

“May mga threat ako na. Nandito nga ang mga katibayan, hindi ko binubura. Isa iyon sa mga dapat ko ipaalam. Masama…masama yung ano (text message). Kung makikita niyo, puwede niyong tingnan po,” ayon sa interview kay Ate Guy na umaming natatakot din siya sa pagbabanta sa kanya.

Pero sey ng Superstar, kahit may banta na sa kanyang buhay, hindi niya iaatras ang kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending