Sapakan ng 2 ‘lukring’ hindi natuloy: Marlene umatras sa hamon ni Mystica OBSERBASYON | Bandera

Sapakan ng 2 ‘lukring’ hindi natuloy: Marlene umatras sa hamon ni Mystica OBSERBASYON

Cristy Fermin |January 23,2015
facebook
share this

Sapakan ng 2 ‘lukring’ hindi natuloy: Marlene umatras sa hamon ni Mystica OBSERBASYON

Cristy Fermin - January 23, 2015 - 03:00 AM

OBSERBASYON ng aming mga kausap ay hindi naman puro seryosohan lang ang dapat nangyayari sa showbiz. Kailangan daw ay meron ding komedya, dapat ay meron ding pinagtatawanan ang publiko, para makumpleto ang mundo ng lokal na aliwan.

Pinagtatawanan ngayon ng buong bayan ang namamagitang hamunan nina Aling Marlene Aguilar at Mystica, tinanggap ng madalas mag-split na singer-dancer ang hamon ni Aling Marlene, call si Mystica sa one-on-one na salpukan.

Ipinagmamalaki kasi ni Aling Marlene ang galing niya sa martial arts, kaya raw niyang magpatumba nang sampung matitipunong lalaki sa isang duupan lang, kapag maramihan daw naman ay kailangan munang kumuha ng mas malaking venue at aayusin daw muna niya ang kanyang schedule.

Kinol ng isa pang lukring ang kanyang hamon, si Mystica na ilang buwan pa lang ang nakararaan ay nagtutungayaw dahil pinagkaisahan daw silang palayasin ng kanilang mga kapitbahay sa Norte, bumubulung-bulong din ang singer-dancer kapag nanggagamot ito na natutuhan daw ng hitad sa isang lugar na tinirhan nila.

Digmaan ng mga lukring sana ang magaganap sa kanilang pagkikita, pero parang minaliit ni Aling Marlene ang singer-dancer, hindi kuno sila magka-level.

Naaaliw ang ating mga kababayan sa dalawang babaeng ito, pinasasaya raw nila ang mundo, sa kagustuhan nilang mapansin ay gumagawa sila ng mga bagay na silang dalawa lang ang nakakaintindi.
Ha! Ha! Ha! Ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending