Ina Raymundo ayaw nang maghubad: Nakakahiya sa mga babaeng anak ko!
May mga nag-react sa naging pahayag ni Ina Raymundo, dating sexy actress na naka-base na sa ibang bansa but from time to time ay bumabalik sa Pilipinas para magbalik-telebisyon at pelikula.
In fairness to her when we last saw her sa presscon ng “Halik Sa Hangin” na showing na sa Jan. 28, walang bakas na nagkaedad siya.
At 40 something, marami pa rin siyang kakabuging mga young stars kung appeal, sexiness at freshness ang pag-uusapan.
Kaya nga lang, dahil sa dati niyang imahe noon sa showbiz, natural na maitanong sa kanya kung payag pa siyang mag-pose sa mga men’s magazine gaya ng ibang senior actresses na up to this time ay gaya niyang nabibiyayaan pa rin ng magandang mukha at katawan.
Simple at marespetong “no” ang sagot ni Ina kasama na du’n ang hindi niya pagsang-ayong lumabas sa sexy roles kahit sa TV man o movies kahit pa gaano pa kaganda ang project at hahawakan ito ng matinong direktor.
Ang kapakanan ng kanyang pamilya at mga anak na babae ang isa sa kanyang isinasaalang-alang. While we also respect her stand, may mga grupo namang medyo “off” ang impresyon lalo pa raw at may mga mas beterana pang aktres kay Ina na gaya din niyang ina at may stable na pamilya and yet ay gusto ring magsilbing huwaran ng pag-age gracefully, kaya’t alam ang emote sa showbiz pagdating sa nasabing usapin.
Pero ang pinakanaloka kami kapatid na Ervin ay yung komento na nagsasabing kaya raw can afford na itong si Ina na mag-emote ng ganu’n ay dahil sa napakayaman na nito at kung tutuusin ay hindi na kailangan mag-artista uli.
Para naman kasing sinasabi nila na yung ibang veteran actresses na pumapayag pang magpaseksi kahit hindi na uso sa iba ay pinagkakakitaan pa rin ang kanilang katawan? Foul naman yata, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.