Papayag ka ba kung sa barangay ninyo ito gawin? Dota bawal na | Bandera

Papayag ka ba kung sa barangay ninyo ito gawin? Dota bawal na

- January 21, 2015 - 03:25 PM

dota

 

IPINAGBAWAL ng isang barangay sa Dasmariñas City sa Cavite  ang paglalaro ng multi-player online game na Defense of the Ancients (Dota) sa mga computer shop na nasasakupan nito.

Sa Resolution 008-S-2015 na ipinalabas noong Enero 5, 2015, ng Barangay Council ng Salawag, sinabi nito na i-ban na ang Dota sa barangay dahil nagiging sanhi na ito ng kaguluhan o away sa komunidad na nagreresulta nang kapahamakan sa mga residente.

Kinumpirma ni Salawag chairman Enrico Paredes na mahaharap sa kaparusahan ang mga lalabag sa resolusyon.

Aniya, ang unang paglabag ay magdudulot ng pagkakasuspinde ng operasyon ng computer shop sa loob ng isang buwan, ang ikalawang paglabag naman ay mangangahulugan ng pagbawi ng business permit at pangatlo ay permanenteng pagsasara ng computer shop.

“Sa aking mga kababayan, ginawa po natin itong barangay resolution dahil naniniwala kami na ito ang tama para sa mga kabataan,” sabi ni Paredes sa kanyang Facebook.

Sinabi ni Paredes na dalawang kabataan ang namatay dahil lamang sa paglalaro ng Dota.

Aniya, nangyari ang pinakahuling pananaksak noong Nobyembre, 2014.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending