Pope mania may epekto sana sa 2016 polls | Bandera

Pope mania may epekto sana sa 2016 polls

Leifbilly Begas - January 21, 2015 - 03:00 AM

PAGANOON-ganoon lang ay malapit nang matapos ang termino ni Pangulong Aquino. Sa Hulyo na ang huling State of the Nation Address niya.
Patapos na ang anim na taon ni Aquino sa Malacanang kaya naman ngayon pa lamang ay marami na ang umaamoy kung kanino sasama sa 2016 presidential polls.
Para nga naman makapuwesto sa susunod na administrasyon.
Hinihimay na rin nila kung kanino paborableng sumama.
Hindi basta tataya ang mga segurista kaya hindi sila kaagad magdedeklara kung kanino sasama bagamat nakikipag-usap sila sa lahat ng posibleng maging kandidato.
Sana ay magkaroon ng epekto sa pagpili sa susunod na lider ng Pilipinas ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa.
Sana lang ang manalo ay ang kandidato na makasusunod sa bilin ng Santo Papa—lumayo sa korupsyon at isipin ang kapakanan ng mahihirap.
Magkaroon sana ng epekto sa kanila ang “Pope mania” o “Pope effect” para bumuti na ang kalagayan ng ating bansa.
At siyempre hindi naman mananalo ang isang kandidato na makasusunod sa bilin ng Santo Papa kung walang boboto sa kanya.
Kaya sana ay maging gabay din ng mga botante ang pahayag ng Santo Papa sa pagpili ng iboboto.
Sana ay hindi lamang pagsunod ng pangalan ng mga bagong silang na anak ang gawin nating mga Pinoy (25 sanggol na ipinanganak mula ng dumating sa bansa ang Santo Papa ang pinangalanang Francis o Francesca sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Santa Cruz).

Ang pag-alis ng Santo Papa sa bansa ay hudyat naman ng pagbabalik trabaho hindi lamang ng mga ordinaryong Filipino kundi maging ng mga bigtime na Pinoy.
Nakatakda na sa Senado ang imbestigasyon sa overpricing ng mga proyekto umano sa Makati City Hall na lalatay na naman kay Vice President Jejomar Binay.
Ngayong 2015, haharapin na kaya ni Binay ang kanyang mga kritiko ng face to face?
Noong nakaraang taon pa ito hinihintay ng publiko.
Marami ang may gusto na harapin ni “Rambotito” ang kanyang mga kritiko. Ang nangyayari kasi magsasalita ang kritiko nya, tapos sasagot si Binay sa media. Palaging ganito.
Ang mga Pinoy ay mahilig sa sabong, at kahit na mga tao nais nating makita na nagsasabong.
Bumaba na ang rating sa survey ni Binay, maging trust rating man o performance rating at maging sa tanong kung siya ay ibobotong pangulo sa 2016 (Pulse Asia).
Minamaliit ng kampo ni Binay ang pagbaba na ito at sinasabi na siya pa rin ang may pinakamataas na rating sa mga posibleng kandidato.
Huwag lang sana nilang kakalimutan na si Binay pa lamang ang nagdeklara na tatakbo.
Kapag malinaw na kung sinu-sino ang mga kandidato sa 2016, mas magiging malapit sa katotohanan ang resulta ng survey.
At dito tataya na ang mga segurista. Magkakaalaman na kung sino ang iiwan nino at kung kanino pupunta.
Sa Oktubre ay maghahain na ng kanilang Certificate of Candidacy ang mga tatakbo sa 2016 polls.

Magkakaalaman na kung sino ang maghaharap-harap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending