Wish ni Vina ngayong 2015: Magka-Lovelife at manalong Best Actress
Bukas, back to work na ang lahat – school, offices, banks – everything. Lahat siyempre ay meron pang Pope Francis-fever. Lahat ay merong kaniya-kaniyang magagandang kuwento sa kanilang beautiful encounter with the Pope.
Kung hindi man personal, kahit sa TV lang ay merong contribution ang bawat isa sa atin sa kuwentuhan. Sana ma-translate ito sa kabaitan ng bawat isa.
Sana ay magdulot ito ng malaking inspirasyon sa bawat isa sa atin to do good. Walang exception, lahat tayo. It’s a good reminder na dapat we all have to be good servants of God. Ciao! (Very Italian na, di va? Ha-hahaha!)
Wait lang, may bagong programa na namang ilulunsad ang ABS-CBN ngayong araw na ito, yes, mapapanood na natin finally ang isa sa pinakaaabangang serye kung saan ipapakita ang iba’t ibang mukha ng pag-ibig – ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita topbilled by Denise Laurel, Jane Oineza, Loisa Andallo and Vina Morales, sa direksiyon nina Jeffrey Jeturian and Mervyn Brondial.
Apat na babaeng sasalamin sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig ang makikilala ng mga televiewers simula sa araw na ito, Jan. 19, sa pagbubukas ng teleseryeng ito sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
Mula sa pelikulang isinulat ng award-winning screenwriter na si Ricky Lee nu’ng dekada ’80, ang TV adaptation ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ay sesentro sa iba’t ibang karanasan sa pag-ibig na babago sa buhay ni Cecilia (Vina), ng kanyang dalawang anak na sina Corrine (Jane) at Bea (Loisa) at ni Toni (Denise), ang babaeng walang ibang naging kasalanan kundi ang magmahal.
Tampok din dito sina Jerome Ponce, Joshua Garcia, Aleck Bovick at Christian Vasquez. Kasama rin sina Arron Villaflor at Sue Ramirez para sa natatanging pagganap.
Mapapanood ito right after Flordeliza sa ABS-CBN kaya abangan ngayong araw na ito. Huwag palagpasin dahil sobrang ganda nito. Promise!
Speaking of Vina Morales, diretsong sinabi ng aktres na dalawa sa mga wish niya this year ay magkaroon ng lovelife at ng acting award.
“Napakaimportante sa akin ng best actress award! May iba kasing artista na sinasabing bonus na lamang sa kanilang showbiz career ang isang acting trophy. Ako, it’s not a bonus, kaya nga gusto mong maging aktres para to become a best actress, right?
“Pero kung hindi mo ma-reach yung point na yun, okay lang. Basta just don’t stop there sa mga chararacter o mga emosyon na binibigay mo, bawat eksena na binibigay sa iyo.
Para sa akin, very important yun, very important. Kaya mo nga pinagaganda yung arte mo e para mapansin ka. Para mabigyan mo ng buhay ang isang karakter ng isang pelikula o isang soap opera,” she further said.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.