Janice sa 3 babaeng anak: Kapag isinuko mo na ang Bataan sa lalaki, tapos ka na!
Naiibang “love story’” na swak at napapanahon para sa mga kabataang Pinoy ang ibabahagi ng Kapamilya teen star na si Janella Salvador simula ngayong Lunes (Enero 19) sa pagsisimula ng pinakabagong feel-good teleserye ng ABS-CBN na Oh My G!
“Kumpara sa ibang love stories, napaka-unique po ng kwento ng Oh My G! dahil tungkol po ito sa buhay ng karakter ko bilang isang teenager, at ang mga pagbabago na mararanasan ko tungkol sa eskwelahan, kaibigan, pag-ibig, at sa paniniwala ko,” pahayag ni Janella na gaganap sa teleserye bilang si Sophie, ang teenager na biglang mayayanig ang perpektong buhay dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Ayon kay Janella, espesyal para sa kanya ang Oh My G! hindi lamang dahil sa pagsabak niya sa kanyang unang major lead role, kundi dahil sa inspirasyon at mga aral na ihahatid nito sa mga manonood, lalo na para sa mga gaya niyang kabataan na napakaraming pinagkakaabalahan sa eskwela, pamilya at maging sa social media.
Tampok din dito sina Marlo Mortel, Manolo Pedrosa, Sunshine Cruz, Dominic Ochoa, John Arcilla, Edgar Allan Guzman at Janice de Belen with Eric Quizon and Maricar Reyes.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng pinakabagong feel-good drama series na magtuturo ng kahalagahan ng pananalig sa Diyos, Oh My G! ngayong Lunes sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.
Samantala, speaking of Janice de Belen, she was asked sa presscon ng Oh My G! kung ano ang mga advice niya sa kanyang tatlong babaeng anak when it comes to love o pakikipag-boyfriend.
“Sinasabi ko lang sa kanila na to think first, mag-ingat sila. Mag-ingat talaga. And, you know, I told them this na, ‘Once you hand over your virginity, that’s over.’ Hinand-over mo na ang sarili mo para masaktan ka. ‘Di ba?
“I’m very blunt with my kids kasi wala akong time na magpasikut-sikot. Kailangan ibigay mo na yung totoo. Huwag na yung pa-sweet. Kasi, totoo na yun,” anang aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.