Laplapan, bed scene nina Jolens at Marvin sa bagong kabit-serye ng ABS pinalakpakan | Bandera

Laplapan, bed scene nina Jolens at Marvin sa bagong kabit-serye ng ABS pinalakpakan

Ervin Santiago - January 14, 2015 - 03:00 AM

marvin agustin
TOTOO nga ang sinabi ni direk Wenn Deramas na ibang-ibang Jolina Magdangal at Marvin Agustin ang mapapanood sa bagong family drama ng ABS-CBN na Flordeliza na magsisimula na sa darating na Lunes.

Nagkaroon kami ng pagkakataon na mapanood ang pilot week ng programa nu’ng Lunes ng gabi sa ginanap na press screening na dinaluhan ni direk Wenn at ng ilang mga artistang kasama sa serye – at nagkakaisa ang lahat ng mga naroon sa pagsasabing wala pa ring kupas ang magic ng tambalang MarJo.

Tulad nga ng unang pahayag ni direk Wenn, gugulatin nina Marvin at Jolens ang mga manonood sa balik-tambalan nila sa Kapamilya network. Mas mature, mas palaban at mas malalim na ang pinaghuhugutan ng mga dating teen icon ng local showbiz.

Sa pagsisimula pa lang ng Flordeliza ay mararamdaman mo na agad ang matindi nilang chemistry – hindi nawala ang kanilang kakaibang karisma na hinangaan at tinutukan noon ng madlang pipol.

Habang pinanonood nga namin ang pilot episode ng serye, hindi namin naiisip na may kanya-kanya na silang buhay – lalo na si Jolina na may asawa’t anak na rin ngayon – parang may something talaga sila.

Ilang loyal supporters nina Jolens at Marvin ang nakapanood din sa pilot week ng programa at talaga namang hindi nila maitago ang sobrang pagka-miss sa tambalan na dalawang original Kapamilya stars.

Nakakaloka nga ang tilian at palakpakan nang ipakita na ang kissing scene at bed scene ng dalawa!  E, kasi nga, parang ito yata ang first time na pumayag si Jolina na magpahalik kay Marvin with matching love scene pa sa kama.

Sigurado kaming isa ito sa aabangan ng mga manonood kapag umere na ang Flordeliza. Pero more than the kissing scene, gusto naming ibandera na totoo rin ang sinabi ng buong production ng serye na ibang-iba ito sa mga “kabitserye” na napapanood natin sa TV at pelikula.

Sa trailer pa lang ay alam n’yo nang may kabitan na naman sa kuwento, pero kami na ang nagsasabi sa inyo na matitindi ang twist dito and for sure, hindi kayo maiinis o mabubwisit kapag nalaman n’yo na kung sino ang tunay na kabit ni Marvin sa istorya.

I’m sure hindi pa man ito nagsisimula hinuhulaan n’yo na kung sino kina Jolina at Desiree del Valle ang other woman ni Marvin sa istorya – sa pilot week pa lang ay malalantad na ang totoo at tiyak na mababaliw kayo sa mga susunod na eksena.

Masasabi naming kay Jolina naka-focus ang unang linggo ng serye dahil halos lahat ng eksena ay naroon siya bilang si Florida na isang nurse.

Mabibigat din ang mga drama moments nila ni Marvin na gumaganap namang sundalo, lalo na nu’ng malaman niyang kinidnap at tinortyur ng mga rebelde ang karakter ni Marvin na si Crisanto.

In fairness, nu’n lang uli naming mapanood si Jolina sa heavy drama at talagang pinapalakpakan siya ng audience kapag umiiyak na siya.

Pero siyempre, dahil isa itong Wenn Deramas project, mawawala ba ang mga nakakatawa at mga nakakalokang eksena ng supporting cast tulad ng gay comedian na si Joey Paras na laging agaw-eksena at ang gumaganap na katulong nina Desiree sa kuwento na sinasabing siyang makakaalam ng lahat ng lihim ng bawat bida sa serye.

Anyway, makakasama rin sa Flordeliza sina Carlo Aquino, Elizabeth Oropesa, Tetchie Agbayani, Juan Rodrigo, Nikki Valdez at ang dalawang batang tiyak na magpapaiyak din sa mga manonood – sina Ahsley Sarmiento bilang si Flor at Rhed Bustamante bilang si Liza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ito sa Jan. 19 sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending