‘Hindi binili ni Mama ang boyfriend niya!’ – Sancho | Bandera

‘Hindi binili ni Mama ang boyfriend niya!’ – Sancho

Julie Bonifacio - January 13, 2015 - 03:00 AM

aiai delas alas
Maganda ang pasok ng 2015 sa panganay na anak ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas na si Sancho Vito. Nagsimula na siyang umapir sa mga top-rating shows ng GMA 7.

Parang kalian lang noong binibitbit ni Ai Ai si Sancho sa GMA. Ang studio sa Kapuso network ang parang naging playground na rin ni Sancho when he’s still a kid. No wonder he considers GMA his second home.

“Doon po nag-start si Mama. Nag-SST (Salu-Salo Together, dating noontime show sa Kapuso network) si Mama noon kasa-kasama na niya ako, e. Two years old po ako noong nasa crane ako ng camera.

So, kumbaga, second home ko rin po. Tsaka ‘yung mga ninong ko po mga taga-GMA,” kwento ni Sancho. Pumirma na si Sancho ng exclusive contract sa Siyete last Dec. 18. Feeling niya he’s starting from scratch.

“Para po akong magi-school ulit.  Magwo-workshop po ako for three months. If ever po na nakikita nila na nagi-improve po ang skill ko sa acting, that’s the only time na ika-cast nila ako.

Not even to put me on a project pero sana mabigyan ng chance lang po na mai-cast,” sabi niya. Hindi naman kinu-consider ni Sancho na special siya bilang newcomer since sikat  ang kanyang ina.

“Hindi ko na po siya maaalis sa personality ko, anak ako ni Mama. But  as much as possible, nasa baba pa rin ako. Hindi ko iniisip na may pangalan ang nanay ko. Kumbaga, kasabay ko ‘yung mga nagsisimula rin,” esplika niya.

Handa na rin siya na makalkal ang personal life niya especially ang tungkol sa kanyang ama na isang theater actor, si Reyh Malte. Si Sancho ang bunso sa mga kapatid niya sa father side samantalang siya naman ang panganay sa kanilang magkakapatid kay Ai Ai.

Kabilang sa mga showbiz crush ni Sancho sina Anjanette Abayari at Eula Valdes. Inamin din niya na marami na rin siyang naging nobya. Pero wala pa raw siyang anak.

“Kung may anak po ako hindi ko itatago. Mahilig po ako sa bata. Actually, gusto ko na nga pong magkaanak, e,” ngiti niya.
Tungkol naman sa bagong karelasyon ng Mama niya, aprub siya rito, “Nakipagsagutan nga po ako sa Facebook.

Hindi ko dapat sasagutin. May comments lang talaga na kailangang patulan, parang ang shallow kasi. In-explain ko lang lalo na sa isyu ng pera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasi po may lumabas na parang binili lang ni Mama ‘yung boyfriend niya. Sabi ko sa kanya, ‘Hindi po binili ni Mama. Sa katunayan po niligawan po siya,” diin ni Sancho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending