Cristine emosyonal nang makita ang ‘ultrasound image’ ni baby
IBANG-IBA na nga si Cristine Reyes. Nabasa namin kahapon ang napakahabang mensahe na ipinost niya sa kanyang Instagram account tungkol sa takbo ng buhay niya ngayon.
Kasabay nito, ipinost din ng aktres ang ultrasound image ng kanyang baby girl na anim na linggo na ngayon sa kanyang sinapupunan. Ito ay anak niya sa kanyang boyfriend na si Ali Khatibi.
Narito ang bahagi ng mahabang post ni Cristine: “Profile view of my daughter inside my tummy. I just can’t wait anymore my little angel. You are one of my five most precious treasures in my heart.
The five treasures that gives real JOY and MEANING into my life. (week 26, day 5. 13 weeks and 2 days left). “Just want to share something I learned today from the book ‘365 daily supplements for the heart.’ It’s worth the share so forgive the long caption of this post. ‘Are you full of JOY and not HAPPINESS?’
“Happiness is dependent on happenings. When good things happen, you’re happy. But as soon as bad things happen, you become sad. Joy is deeper because it isn’t dependent on good or bad things happening in our lives.
It’s always there no matter what happens. “Nanggaling lang ang joy sa espiritu ng Dios. Pagod ka pero masaya ang iyong kalooban. Hirap ka dahil kung minsan pinagsasalitaan ka ng masasama.
Bagama’t di ka natutuwa sa nangyari, may napakalalim kang uri ng kaligayahan because you’re filled with the Holy Spirit. Kung full of the Holy Spirit ka, then full of praises ka.
“Salamat, may trabaho ako! Salamat, lunes! Salamat at may gagawin akong ganito! Salamat at may nagtitiwala sakin. Pag ikaw ay full of praises, lalo kang nagiging full of the Holy Spirit.
“Gusto ng Holy Spirit makipisan sa mga taong magagaan. Baliktarin natin yan. Pagod lagi kang reklamo ng reklamo. Umaalis ang Spirit sayo. Kapag-umalis ay lalo kang nagiging reklamador.
Kaya cycle yan ng pababa. At kung ang cycle natin ay pababa nang pababa, let’s break the cycle at gawin nating paakyat nang paakyat.” Aktibong miyembro sina Cristine at Ali ng Christ’s Commission Fellowship.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.