Muntik nang madamay sa inaabot na kamalasan
NANINIWALA kaming talagang hiwalay na sina Rayver Cruz at Cristine Reyes kahit hindi ito
inamin ni Rayver when he left for the States.
Very reliable ang sources naming nagkuwento na talagang iniwan ni Cristine si Rayver for someone else.
Kaya nasaktan talaga ang baby naming si Rayver, pero dahil sa pagi-ging super gentleman nito kaya never siyang nagsalita ng anything against Cristine.
Kasi nga, sa totoo lang, mas in love si Rayver kay Cristine.
Sa totoo lang, umaasa pa nga si Rayver that time na babalikan pa rin siya ni Cristine pero hindi siya umubra.
Ganoon daw talaga si Cristine, pag sawa na sa lalaki, kahit anong pilit ng lalaki na balikan siya ay deadma na. Meron na raw ka-sing ibang type si Cristine kaya goodbye Rayver na raw ito.
How sad, di ba? Pero sa nangyayari ngayon kay Cristine – sa pambababoy niya sa kanyang ate Ara Mina, mas mabuti na ring naghiwalay sila ni Rayver.
Kasi nga, baka pati si Rayver ay magiging nega pag nakadikit pa rin ang name niya kay Cristine.
Para sa amin, wala nang “reputasyon” si Cristine Reyes na dapat alagaan – pagkatapos niyang babuyin ang pagkatao ng ate niya, we don’t care for her anymore.
Kahit lumuhod pa siya siguro sa asin ay kebs namin.
Hindi siya mabu-ting tao, hindi siya mabu-ting alagad ng Diyos, sobrang bastos pala ng kanyang bibig.
Kahit saan kami mapunta ay iyon ang tanong sa amin ng mga tao – kung kumusta na si Ara Mina? Kung bakit ganoon si Cristine Reyes?
Kung bakit at marami pang bakit. Wala kaming maisagot kundi ang makisimpatiya kay Ara dahil napakabuti niyang tao at kaibigan.
Kung meron man siyang kahinaan, sinasarili na lang niya iyon at wala na tayong paki roon, di ba?
For as long as hindi naman niya tayo inabala kahit kailan ay wala tayong karapatang husgahan siya.
Bakit, si Ara lang ba ang makati tulad ng sinasabi ni Cristine?
Marami akong alam at narinig pero ititikom ko lang ang bibig ko dahil labas naman tayo sa gulo nilang magkapatid.
Kaya hindi dapat nagmamalinis itong si Cristine. Hmp!
Nainis lang ako lalo kay Cristine dahil pati yung mga close friends ni Ara na writers ay tinawag niyang “cheap”.
Instead na magpasalamat sa mga reporters dahil in one way or the other ay natulungan naman siya ng mga ito ay iyon pa ang napala ng mga kapatid natin sa panulat?
Kaya kaming mga reporters/ writers – pasensiyahan na Cristine pero never ka na naming tutulungan.
Kapal ng fez mo, Ineng!
Sabi nga namin, hindi lang si Ara Mina and the said reporters ang kailangang hingan ng paumanhin ni Cristine Reyes dala ng mga kababuyang text messages niya sa ate niya, but the country as well deserve an apology.
Kasi nga, she didn’t serve as a good example to the people.
Bastos ang mga laman ng text message niya, mga kalaswaan.
Ngayong nabasa na ng public ito, lalo na ng mga kabataan and girls her age, naku, dapat nga sa kanya ay ibitin ng patiwarik.
Ipinakita lang niya sa mundo ang tunay na pagkatao niya, na masahol pa siya sa walang pinag-aralan.
Mabuti na lang at hindi namin siya kapatid dahil kung kapatid namin si Cristine, baka inilampaso na namin siya sa sahig at itinali sa ilalim ng puno ng bayabas at pinakagat sa mga langgam.
Kalokang babae, walang galang sa sarili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.