Sarah: Iba kasi ang lifestyle ng pamilya namin!
MATAPANG, walang takot. Yan ang ilan sa mga katangian ni Sarah Geronimo na hinahangaan ng maraming Pinoy kaya naman hanggang ngayon ay patuloy pa ring umaariba ang kanyang career – at maligaya rin ang kanyang personal na buhay.
At naniniwala kami riyan, dahil kung hindi matapang ang loob ng Pop Princess malamang matagal na siyang nawala sa eksena at baka napariwara pa ang buhay dahil sa dami ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan, lalo na pagdating sa lovelife.
Sa isang interview, natanong ang singer-actress kung maiko-consider ba niya ang sarili na isang “fearless princess” tulad ng ginagampanan niyang karakter sa isang Disney project bilang si Rapunzel.
“Yes, maaari. Kinakailangan mong maging fearless in some ways for you to discover your own strengths, your own weaknesses. Kailangan mong malaman ‘yan and learn from your own mistakes,” tugon ni Sarah.
Isa pa sa natanong sa girlfriend ni Matteo Guidicelli kung masasabi na ba niyang totally independent na siya ngayon at hindi na siya kontrolado ng kanyang mga magulang o ng kahit ninuman? “You can plan your life, you can try so hard para planuhin ang buhay mo.
Pero mayroong mga bagay na out of your control na mangyayari at mangyayari, na plano ng Diyos. “What I can do is pray about it. Oo, mag-e-effort ako para sa kung ano man ang plano ko sa buhay na gagawin ko.
Of course, hindi ko pa masabi na I’m in control of my life right now. “Alam naman po natin na iba ang pundasyon namin ng pamilya ko, ang way of living namin, ang lifestyle namin.
A lot of families can relate to me, tayong Filipino families, kasi ito ang tradisyon natin. “Yun lang, every day process po siya kung paano mo paplanuhin ang buhay mo.
The best you can do is pray na kung tama ba ang ginagawa mo; or kung mali, i-direct ka. Tsaka iba-iba naman po tayo ng opinyon sa buhay, lalo na when it comes to independence.
Mayroon tayong freedom of speech, may mga bagay silang hindi nalalaman,” sey pa ng dalaga. Kaya ang sey lang ni Sarah sa mga nagsasabing dapat ay matuto na siyang maging super independent sa kanyang edad, “They can easily dictate kung ano ang tamang gawin na parang, ‘Ano ba, Sarah, grow up! Let go! Hello, ang tanda mo na! Mag-boyfriend ka na, do the things that make you happy.’
“Hindi po ganu’n kadali, e. Makikita mo sa values ng Disney Princess na si Rapunzel, na considerate. Courageous pa rin, pero considerate. Yun ang challenge doon, paano mo gagawin ‘yon,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.