Kuya Germs kailangan pa nang matagal-tagal na gamutan
MARAMI na ring mga kaibigan at kapuso (O, di ba? Very GMA 7 lang ang peg!) ang nakadalaw kay Kuya Germs sa kaniyang hospital room nitong mga nagdaang araw.
Ang sabi ng ilang mga nakapunta na ay medyo matatagalan pa siguro bago maka-recover nang husto ang mahal nating TV host. Kasi nga, hindi pa niya nagagalaw ang kanyang kanang kamay – same with his right leg na medyo stiff pa talaga.
Plus medyo utal pa si Kuya Germs, sign ito that it will take some therapy para makabalik siya sa dating kundisyon. Kami naman ng anak-anakan naming si Michael Pangilinan, sisilip kami sa kanya very soon.
“Parang hindi ko kayang makita si Tatay Germs na naka-confine. Sabihin ko inyo ‘Nay kung kailan ako ready na dumalaw kay Tatay,” ani Michael na Nanay at Tatay ang tawag sa amin ni Kuya Germs.
Pero nililinaw ko lang po na wala kaming relasyon ni Kuya Germs ha – hindi namin totoong anak si Michael. Ha-hahaha! Iyan ang madalas na biruan kasi namin ni Kuya Germs. Ha-hahaha!
Nakaka-miss ang samahan namin ni Kuya Germs. We talk about his plans for the kids ng Walang Tulugan – kung paano niya itinataguyod ang mga batang ito para matupad ang kanilang mga munting pangarap.
Tulad nitong nakaraang Biyernes, nag-taping na ang Walang Tulugan at kamalas-malasan namang hindi rin pumuwede si Michael sa taping dahil sobrang sakit ng tiyan nito at grabe ang kanyang pagpapawis.
Nausog yata the night before at tumuloy-tuloy na sa pananakit ng tiyan. Sabi ko nga sa mababait na secretaries ni Kuya Germs na sina Tita Carmelites and Chuchi, nakisabay pa sa may sakit niyang tatay-tatayan si Michael, pareho silang wala sa show tuloy. Kaloka!
“Magaling na ako ‘Nay. Nagising ako umaga na (Sabado), sensya na po at nakatulog ako the whole Friday night kaya di ko nasagot ang mga tawag at text niyo,” ani Michael yesterday nang magkausap kami.
Siyempre, naawa ako sa bagets dahil mahirap yata ang mausog, ha. Ang advice nga sa amin ni Chuchi, kung hindi namin kilala ang nakausog sa kaniya, pakuluan daw yung huling isinuot niyang damit na siya namang ginawa ng Mommy ni Michael kaya guminhawa na ang pakiramdam nito.
Nothing to lose naman pag sinunod ang advice niya, di ba? And it worked ha. Mabilis talagang guminhawa ang pakiraman ng mahal nating anak-anakan.
Anyway, baka bukas ay makakadalaw na kami ni Michael kay Tatay Germs niya. Sisikapin naming masilip siya sa kaniyang hospital room. Sana he will be better now.
Sabi nga namin, kailangang magpagaling agad si Kuya Germs dahil maraming-marami pa siyang tutulungan. Actually, talagang ‘yan ang isa sa mga ipagkakapuri mo kay Kuya Germs, hanggang ngayon puro pagtulong pa rin ang ginagawa niya, lalo na sa mga baguhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.