Jairus Aquino may pambihirang sakit | Bandera

Jairus Aquino may pambihirang sakit

Ervin Santiago - January 10, 2015 - 03:00 AM

jairus lara
BIBIGYANG-BUHAY sa Maalaala Mo Kaya ng Kapamilya teen star na si Jairus Aquino ang karakter ni Andre, isang teenager na pinagsisikapang abutin ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanyang pambihirang sakit sa kalamnan na tinatawag na Muscular Dystrophy.

Ngayong gabi, matutunghayan ng viewers kung paano nanatiling positibo sa buhay si Andre at nabuhay nang normal sa tulong ng kanyang ama na si Rodolfo (Dominic Ochoa) na laging pinalalakas ang kanyang loob.

Paano mayayanig ang mundo ni Andre sa sandaling mawala sa tabi niya ang pinakamamahal niyang ama? Maglalaho ba ang kanyang pag-asa sa buhay o patuloy niyang pagsusumikapang abutin ang kanyang pangarap na binuo niya kasama ang ama?

Tampok rin sa MMK episode na ito sa Lara Quigaman, Eliza Pineda, Angelo Ilagan at JB Agustin, sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Mary Rose Colindres.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 7:15 p.m., pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending