Sarah, Jose Mari Chan kinabog ni Kathryn; mas mabenta pa ang album sa One Direction
Tinalbugan. Kinabog. Inungusan.
‘Yan ang tila nagawa ni Kathryn Bernardo kay Sarah Geronimo dahil bongga ang sales ng kanyang self-titled maiden album.
Actually, hindi lang si Sarah ang kinabog ni Kathryn kundi maging ang iba pang foreign artists.
As reported by one Facebook account, Kakulay Entertainment Blog, “Base sa lists ng Odyssey Music & Videos para sa kanilang Top Albums release late 2014, nasa No. 2 spot ang album ni Kathryn na carrier single ang revival niya ng ‘Mr. DJ’ ni Sharon Cuneta.”
“Inilampaso nang husto ng Teen Queen (Kathryn) ang kare-release na album ni Sarah na ‘Perfectly Imperpect’ under Viva Records na nasa pang No. 10 o huling puwesto sa top 10 sales album. Nangunguna naman si Taylor Swift, Daren Espanto na nasa No. 3 spot, No. 4 ang One Direction, No. 5 – Seconds of Summer, No. 6 – Jose Mari Chan, No. 7 – Gimme 5, at pang No. 9 na si Ed Sheeran.”
So, does this mean na mas merong pambili ng album ang fans ni Kathryn kaysa sa supporters ni Sarah? Nangangahulugan ba itong mas maraming avid supporters itong si Kathryn kahit na milya-milya na ang layo sa kanya ni Sarah, achievement-wise?
May pang-aasar kay Kathryn ang mga comments sa Facebook as one said, “Mas malalakas talga ang jejemon,” while another wailed, “Hahaha grbe ang caption inilampaso tlaga ang tanong cnu ma magaling s boses? C kthryn kasi dami bagets ngaun kaya dun cla naka relate…wla pa yan c kathryn s yapak ni SG.”
Kung naungusan na nga ni Kathryn si Sarah sa record sales, hindi naman siguro ito nangangahulugan na she is a better singer.
Mas marami lang sigurong aggressive fans ni Kathryn ang handing maglabas talaga ng pera para lang matiyak ang success ng idol nila sa initial foray nito sa recording.
As we reported in the past, nag-advance order talaga ang fans ni Kathryn at ni Daniel Padilla kaya naman hindi na kagulat-gulat na naging gold agad ang album niya on the day it was released in the market.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.