‘Paghandaan nating lahat ang pagdating ni Pope Francis!
Magpaka-good girl nga pala muna tayo dahil darating na si Pope Francis next week at masuwerte ang mga involved sa kaniyang pagdating. When was a Papa visit na naganap sa Pinas? Parang 1995 yata iyon if my memory serves me right.
Kaya excited ako sa pagdating ni Pope Francis dahil magkaka-chance na rin akong makita siya nang malapitan dahil the last time I saw him was when we were in Vatican two years back.
Akala kasi namin ay magmimisa siya that noon and naka-ready na ang stage sa Vatican nu’ng mga oras na iyon pero for some reasons ay doon siya pumuwesto sa itaas ng building sa right wing ng Vatican while we watched him talk via video walls na nakapalibot sa nasabing cathedral.
Ngayon ay mukhang matutupad din ang wish ko to sit near him sa Luneta Grandstand next week. Meron kasing reserved seats for some guests sa misa niya and we are just a little fortunate na mabigyan ng special seat na iyon.
Kaya binibiro ko nga ang ibang priest-friends natin na baka maging santo na ako rightafter. Ha-hahaha! Iba ang feeling talaga pag Santo Papa na ang pinag-uusapan, ‘no! Nakaka-goosebumps kumbaga.
I feel so excited na parang ang bait-bait ng kalooban ko just thinking na makakaharap ko siya. Baka nagiging emosyonal lang ako for once – nakakatuwa lang isipin na ang isang dating pobreng katulad ko from Iloilo ay magkakaroon ng chance na makadaupang-palad ang Santo Papa – hindi man abot-kamay pero at least sa medyo malapitan.
Feeling ko isa na akong anghel ngayon. Kaya good boy muna. Paano? ‘Yan ang paghahandaan namin habang papalapit na ang pagdating ng ating Santo Papa.
Siyempre, dapat tayong lahay ay magdiwang sa pagdating ni Pope Francis dahil sa dami ng bansa sa buong mundo ay isa tayo sa napili niyang dalawin, lalo na ang mga kababayan natin sa Visayas na sinalanta ng super typhoon na Yolanda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.