Makapag-aabroad na ba ngayong 2015? | Bandera

Makapag-aabroad na ba ngayong 2015?

Joseph Greenfield - January 05, 2015 - 02:44 PM

Sulat mula kay Jimmy ng Luyag, Carmen, Cebu City
Dear Sir Greenfield,
Tapos po ako ng Marine Transportation at matagal na akong nag-aaplay sa barko. Almost one year na akong naghihintay at nagpa-fallow-up ng mga pepeles ko pero wala pa ring nangyayari. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, upang itanong kung sa taon po bang ito ng 2015 may chance kaya na makapag-barko na ako. Kung sadya namang wala sa ibayong dagat ang kapalaran ko, okey lang pong dito na lang ako sa lokal magtrabaho, kaya lang gusto ko pong malinawan kung saan po ba talaga ako uunlad at aasenso, dito po ba sa ating bansa o sa ibayong dagat? January 14, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Jimmy ng Cebu City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat may Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad, kapansin-pansin ito ay bahagyang sinansala o kinansela ng Guhit ng Hadlang (2-2 arrow 2.). Ibig sabihin hindi magiging madali sa iyo ang makapag-abroad, agad-agad, pero kung kukulitin at pipilitin mo ang kapalaran, wala rin siyang maggawa kundi ang pag-abrodin ka!
Cartomancy:
King of Diamonds, Eight of Diamonds at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.) ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaking medyo mataba at bilugan ang katawan, sa taong 2015 sa edad mong 28 pataas may isang mabunga at mabiyayang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending