TOTOO BA ANG TSISMIS, POPS BUNTIS? | Bandera

TOTOO BA ANG TSISMIS, POPS BUNTIS?

|April 19,2012
facebook
share this

TOTOO BA ANG TSISMIS, POPS BUNTIS?

- April 19, 2012 - 05:00 PM

Ni Ervin Santiago (Bandera Entertainment Editor)

NAKATANGGAP kami ng text message mula sa isang source na nagtatanong kung alam na ba namin ang balita tungkol sa Concert Queen na si Pops Fernandez. Ang sagot namin, waley! Wala kaming natatanggap na bagong chika about her.

Ayon sa aming kausap, magtanung-tanong daw kami kung totoong buntis si Pops! Siyempre, na-shock naman kami du’n. Buntis? E, wala nga kaming nababalitaang bagong dyowa ng Concert Queen, tapos buntis agad-agad? May nali-link kay Pops na mga non-showbiz guys pero wala namang ibinibigay na kumpirmasyon ang singer-actress tungkol dito.

Ang tsismis, isang mayamang businessman daw ang posibleng nakabuntis kay Pops, ito raw ‘yung constant date niya nitong mga nakararaang buwan. Pero sabi nga namin, masyadong malihim ngayon ang Concert Queen tungkol sa kanyang personal life kaya walang masyadong naririnig ang entertainment press about her lovelife.

Dagdag pa ng aming source, alam na raw ng ex-husband ni Pipay na si Martin Nievera na pregnant na siya.

May isang tao kaming tinanong tungkol sa diumano’y pagbubuntis ni Pops, at ang sabi niya sa amin, aalamin daw muna niya at babalikan niya kami once na nakakuha na siya ng sagot. Pero habang sinusulat namin ang item na ito ay wala pa kaming natatanggap na reply mula sa kanya.

Well, para sa amin, wala namang masama kung mabuntis si Pops, basta may isang lalaking maninindigan sa kanya, di ba? Pero hangga’t wala pang official statement ni Pipay tungkol sa isyung ito, e, huwag na muna tayong maniwala o manghusga. Hintayin na lang natin siyang magsalita. Let’s be fair kay Pops para mas malinaw ang usapan. Agree?

(Ed: May rekasyon, komento ka ba sa artikulong ito? Isulat ang iyong mensahe kasama ang pangalan, edad at lugar  sa ilalim)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending