Lahat ng kinikita ni JOSE gustong makuha ni MISIS | Bandera

Lahat ng kinikita ni JOSE gustong makuha ni MISIS

- April 17, 2012 - 05:56 PM

Nagharap na kamakailan sa piskalya ng San Juan ang nagkakasuhang mag-asawang Jose at Annalyn Manalo.

Pinag-usap muna sila ng fiscal habang nakabantay ang kanilang mga abogado.

Sinubok silang pag-ayusin, pero walang nagawa ang fiscal dahil tumanggi si Annalyn.

Enero nu’ng umalis sa kanilang bahay si Jose, ayon kay Annalyn, nagtaka raw ito kung bakit kinagabihan ay hindi na bumalik pa sa kanilang tahanan ang pamosong komedyante.

Ayon sa aming source ay kakaiba ang gustong mangyari ng misis ni Jose, lahat ng kanyang kinikita ay gustong hawakan ng babae, ayaw nito sa kundisyon na susuportahan na lang sila ng komedyante.

Ang kanilang mga anak daw kasi ang inaalala ni Annalyn, hindi ang kanyang sarili, kaya ngayon pa lang ay gusto na nitong ihanda ang kinabukasan ng mga bata.Si Jose naman ay cool lang, kahit pa hindi sang-ayon sa gustong mangyari ng kanyang misis, kailangan niyang magpairal ng haba ng pasensiya dahil siguradong magkakainitan silang mag-asawa kapag pumatol siya.

Kahanga-hanga ang propesyonalismo ni Jose Manalo, kapag pinanonood namin siya sa Eat Bulaga ay nakukuha pa rin niyang magkomedya, samantalang parang pasan niya ang mundo ngayon dahil sa problemang pampamilya na sunong-sunong niya kahit saan.

‘Yun ang literal na ibig sabihin ng kasabihang “The show must go on” sa mundo ng lokal na aliwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending