James na-shock nang maging ‘girl’ si Bimby
PUNUMPUNO ang cinema 2 ng SM Megamall nu’ng pumasok kami para sa special screening ng na isa sa official entries ng Metro Manila Film festival, ang “The Amazing Praybeyt Benjamin2” sa paanyaya ni direk Wenn Deramas.
Syempre, dahil kabilang sa cast ng “TAPB” ang child star na si Bimby Aquino Yap expected ng darating ang “first family” headed by President Noynoy Aquino.
Of course, ang first family is composed of P-Noy’s sisters since wala pa nga siyang masasabing family of his own. And one of his sisters, obviously, is the Queen of All Media at ina ni Bimby na si Kris Aquino.
Nandoon din para panoorin si Bimby ang kanyang ama na si James Yap with his girlfriend na Italiana. Medyo malayo ang seat namin from Bimby’s family kaya hindi namin nakita ang reaction ni James sa eksena kung saan ginawang babae ang child star na mala-Sarah, ang munting prinsesa habang si Vice Ganda naman ang gumanap na Miss Minchin.
This probably the additional scene that Kris mentioned sa The Buzz last Sunday. Nag-shoot pa raw ulit si Bimby for the movie kahit tapos na ang deadline ng MMFF committee.
Dagdag pa ni Kris, hindi na nila ipinaalam kay James ang eksenang nagsuot-babae si Bimby. Pero kapag tinanong daw sila (Star Cinema/Viva Films) ni James, sabihin lang daw na ipinaalam at pinayagan ni Kris ang additional scenes na ‘yun.
Hindi namin sure kung naaliw si James sa eksenang ‘yun ng anak. Napaka-petty naman kung magiging dahilan ‘yan ng “second world war” nila ni Kris. Ha-hahaha!
Although, hagalpakan naman sa katatawa ‘yung mga manonood sa loob ng sinehan. But all in all, after watching “TAPB”, e, mapa-proud si James kay Bimby.
In fairness, mas mahaba ang role ni Bimby sa “TAPB” kesa sa kanyang first movie na “My Little Bossings.” At sa “TAPB”, mas na-enhance na ang acting ni Bimby, huh!
Bongga ang tandem ni Vice at Bimby. Kitang-kita sa movie na super close talaga sila. Pwede ring gumawa ng movie sina Vice at Bimby na mala-comedy version ng “Tatay Kong Nanay” nina Dolphy at Niño Muhlach.
Also, noticeable rin sa movie ang chemistry nina Vice at Alex Gonzaga. Feeling namin, feeling lang, ha, pwedeng-pwede si Alex na maging leading lady ni Vice sa isang movie project.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.