MMFF entry ni Vice Ganda nangunguna sa takilya
NANGUNGUNA ang “The Amazing Praybeyt Benjamin” ni Vice Ganda sa 2014 Metro Manila Film Festival na nagsimula na noong Dec. 25.
Habang isinusulat ang balitang ito ay balitang naka-P53.3 million ang entry nina Vice, Bimby Aquino Yap at Richard Yap noong opening day ng filmfest and now holds the new record as the highest opening day gross for any Filipino film.
Ayon kay MMDA at MMFF Chairman Francis Tolentino, umaasa sila na tataas ng 10% ang ticket sales ng MMFF ngayong taon. Last year, umabot sa P128 million ang kinita ng MMFF sa opening day pa lang.
As of yesterday morning, number one pa rin ang “Praybeyt Benjamin”, nexk-to-neck ang laban para sa second and thrid slot ng “Feng Shui 2” at “My Big Bossing”, habang number 4 ang “Kubot: The Aswang Chronicles”.
Ang iba pang pelikulang naglalaban-laban ngayong taon sa MMFF at ang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo,” “English Only, Please,” “Magnum Muslim .357,” at “Shake, Rattle and Roll XV.”
Samantala, sa kabila ng pagiging number one sa takilya ng kanyang pelikula, naglukluksa rin si Vice Ganda dahil sa pagpanaw ng kanyang Lolo Gonzalo.
Namatay ang lolo ni Vice noong mismong araw ng Pasko sa edad na 93. Multiple organ failure ang dahilan ng pagpanaw ng lolo ng TV host-comedian.
Mismong si Vice ang nag-post ng malungkot na mensahe sa kanyang Twitter account at ilang minuto pa lang matapos itong i-tweet ni Vice, bumaha na ng pakikiramay sa pamilya ni Vice.
Sa katunayan, nag-number one pa nga sa trending topic nationwide ang hashtag na #BeStrongViceGanda. Kamakailan, sinabi ni Vice na nahihirapan siya sa sitwasyon ng kanyang lolo ngayon, “Ang weird nga kasi hindi ko alam kung ano ang idadasal ko sa Diyos.
“Kasi alam ko gusto ko na humaba pa ang buhay ng lolo ko para makasama ko pa siya. Pero ayoko ding pahabain pa yung paghihirap niya kasi kitang-kita.
“Ang payat-payat na ‘tapos sobrang dami ng aparato na nakakabit sa katawan niya, alam ko nahihirapan siya,” aniya pa.
( Photo credit to Vice Ganda Instagram )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.