Nagdamdam si Toni Gonzaga kay Vice Ganda dahil na-hurt ito when the stand-up comedian told her sister Alex Gonzaga na dapat daw ay mag-concentrate na lang sa drama ang TV host dahil mas nakakatawa si Alex kaysa sa kanya.
“Si Toni nagdamdam, nagsumbong kay Paul (Soriano) at kay Mommy Pinty. Sabi niya, ‘Mommy, sabi ni Vice, waley na raw ako dahil daw nandiyan na si Alex.’ Nagdamdam. So hindi ako kinikibo.
‘Yun pala ang dahilan,” chika ni Vice sa isang interview. “Hindi naman ‘yun ang sinabi ko. Ang sinabi ko, ‘Alam mo (Alex) nakakatawa ka talaga. Toni is such a big star. Sobrang nakakatawa si Toni.
Pero nu’ng dumating ka, nakakatawa ka rin pala. Kaya siguro feeling ko ‘yung ate mo, sa next movie niya maghe-heavy drama na lang para mag-give way sa ‘yo,’” ani Vice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.