Nakakulong na ngayon dahil sa kasong parricide
Hanggang ngayon pala ay nakakulong pa ang mahal nating kaibigang si Alakim, ang sikat na magician na nakilala nating lahat sa Pilipinas Got Talent.
Ito’y sanhi ng aksidenteng pagkamatay ng asawa niyang si Maricar before the Holy Week.
Ayon sa ulat ng pulisya, habang nagtatalo silang mag-asawa sa loob ng sasakyan sa tapat ng kanilang bahay sa Marikina ay nabaril sa tiyan si Maricar na siyang naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
“Kinasuhan ako ng family ni Maricar ng parricide and I don’t blame them for that.
Karapatan nila ‘yun pero of course, sobrang lungkot ko sa pangyayaring ito.
Kasi nga, kita n’yo naman siguro kung gaano ko kamahal ang mag-ina ko.
Hindi naman bago sa amin ang mga maliliit na away o tampuhan. “‘Yung mga selosan na ganyan, natural lang naman sa mag-asawa, di ba?
Pero ito ang pinakamasaklap sa lahat, ang aksidente niyang pagkamatay.
Ito na nga ang mahirap sa sitwasyon namin, walang ibang witness dahil kaming dalawa lang ang nasa kotse.
“Pero nagdarasal ako na sana ay makaya ko ang problemang ito dahil hindi ko siya pinatay.
Malinis ang kunsensiya ko. Nasa korte na ang kaso at ako naman ay nakakulong pa rin,” ani Alakim na sobrang bait talaga sa kanyang mag-ina lalo pa nu’ng nabubuhay si Maricar.
Nakakatuwa ‘yang si Alakim dahil talagang tumigil siya sa ilang bisyo dahil gusto niya talagang makaipon at maipagpatayo ng bahay ang kanyang pamilya.
Dahil sa magaling siyang mag-handle ng finances niya lately, sa tulong ng kanyang asawa, nakabili rin sila ng sasakyan.
Sayang nga lang at nauwi sa trahedya ang kanilang pagsasama.
Pero ganu’n siguro talaga ang buhay.
Ayon kay Alakim, aksidente ang lahat kaya hintayin na lang natin ang desisyon ng korte pagdating ng tamang panahon.
We are hoping that Alakim will be freed one day. Sana…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.